Dominic dedma sa rebelasyon ni Bea; tinulungan ni Juday mag-move on

Dominic dedma sa rebelasyon ni Bea; tinulungan ni Juday mag-move on

Judy Ann Santos, Dominic Roque at Bea Alonzo

SUMASAKIT na naman ang ulo ng mga Marites sa kahuhula kung bakit hiniwalayan ni Dominic Roque ang ex-fiancèe niyang si Bea Alonzo.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kasi kung ano ang dahilan ni Dominic at biglang nakipag-break sa Kapuso actress na naging dahilan ng pagkansela ng kanilang kasal.

Sa panayam ng ABS-CBN, natanong ang dating aktor kung ano na talaga ang rason ng paghihiwalay nila ni Bea at kung bakit siya ang nag-initiate ng breakup tulad ng naging rebelasyon ng aktres.

Baka Bet Mo: Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: ‘Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan’

“Hindi ako ang nakipag-break. Let’s leave it in the past. It’s amicable. Okay naman kami. I think it will be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it.


“It’s a very sensitive topic. And gusto kong bigyang ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had,” ang pag-amin ng aktres.

Pero tumangging magsalita si Dominic nang mapag-usapan ang tungkol sa naging pahayag ni Bea. Tanging ngiti lamang ang kanyang isinagot sa tanong.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

Samantala, naka-move on na raw si Dominic sa breakup nila ng ex-dyowa at malaking bahagi raw ng naging proseso niya ang kanyang support system.


“Work, of course, family and friends. ‘Yun, okay lang naman. May ginagawa,” sey ni Dominic.

Isa raw sa mga kaibigan niya sa showbiz na nakatulong sa kanya na makapag-move on ay ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos na itinuturing na niyang parang tunay na ate.

“Of course family ko, Ate Juday, she has always been there for me always, all the time. She’s always been supportive sa akin. Tsaka friends. And inano ko ‘yung sarili ko sa sports,” pahayag pa ni Dominic.

Read more...