Krissy Achino lie-low muna sa panggagaya kay Kris: Respeto lang

Krissy Achino lie-low muna sa panggagaya kay Kris: Respeto lang

Reggee Bonoan - June 24, 2024 - 10:42 AM

Krissy Achino lie-low muna sa panggagaya kay Kris: Respeto lang

MATAGAL na palang hindi nagkakausap sina Kris Aquino at ang impersonator niyang si Chino Liu o mas kilala bilang si Krissy Achino.

Kaya naman madalang na ring gayahin ni Chino ang kanyang idolo maliban na lang kung in character siya.

Tulad sa panayam niya sa vlog ni Konsehala Aiko Melendez na humarap sa camera na fully made-up at ginagaya ang boses ni Kris.

Pero inamin ni Chino na lie-low siya ngayon sa panggagaya kay Kris dahil sa kasalukuyang kundisyon ng Queen of All Media.

Ilang taon na ring namamalagi si Kris sa Amerika para magpagamot kasama ang bunsong anak na si Bimby at Chief of Staff nitong si Alvin Gagui.

Baka Bet Mo: Krissy Achino type na type si Donny Pangilinan, pero paano kung may manligaw sa kanya na kamukha ni James Yap?

“Siyempre nirerespeto ko ‘yung kundisyon niya ngayon pero sa kanya (Kris) din naman nanggaling na ‘if that’s your work, I love what you do’ because out of all the impersonators ako raw ‘yung may correct diction, correct pronounciation at talagang ‘yung boses, so, okay lang naman daw.

“Pero as an impersonator I also know ano ang mga puwede at ano ang mga bawal especially kung sinasagot ko na ‘yung private life niya medyo hindi ako du’n,” paliwanag ni Chino.

Sinang-ayunan naman ni Aiko ang katwiran ni Chino na ang panggagaya ay ‘yung labas na kaanyuan ng tao at hindi kabilang ang pribado nitong buhay.

“Yes, ‘yung public knowledge puwede kong i-tackle ‘yun pero kung ako ang tatanungin mo as ‘Kris kumusta ka?’ hindi ko siya puwedeng sagutin,” katwiran ulit ni Krissy Achino.

Sa tanong ni Aiko kung may komunikasyon pa sila ni Kris, “Medyo nawala nu’ng nag- US siya kasi paiba-iba siya ng number pero the last time na nakausap ko siya (sa) Whats App, okay naman siya,” kaswal na kuwento ni Krissy Achino.

Sa kasalukuyan ay naninilbihan bilang kagawad si Chino Liu sa Don Bosco Parañaque Distrito 2 na ibang-iba ang itsura kapag nasa opisina siya dahil hindi siya si Krissy Achino.

“Hindi ako ganito (sabay muwestra ng itsura) sa barangay kasi gusto kong ma-separate si Krissy from Chino. Kung (tutuusin) advantage ‘yun di ba, Ms. Aiko?

“Pero sabi ko nga sa mga kabarangay ko, gusto ko lang patas, so, I’m using the Chino name, I’m using the Chino face and I’m using the Chino surname kung baga hindi ko ginagamit ang pagka-showbiz ko,” sabi ng impersonator ni Kris.

Ipinakita sa video ang mga larawan ni Chino habang nasa sesyon siya at kapag may mga pagtitipon sa nasabing distrito.

“I handle on Committee on Tourism, Committee on Health, Committee on Environment and Sanitation plus we have (UBAS) Ugnayan ng Barangay at Simbahan,” kuwento ni kagawad Chino ng mga duties niya sa kanilang barangay.

Natanong din kung nakakatikim ng diskriminasyon si Chino bilang miyembro siya ng LGBTQ+ community.

“Sa barangay namin medyo open-minded ‘yung mga tao. I’m very grateful and I’m glad na ‘yung mga constituents ko na they’re really accepting LGBTQ o third sex.

Baka Bet Mo: Krissy Achino planong itigil muna ang panggagaya kay Kris: Sabi niya sa akin, ‘Try mo ang iba, create different characters’

“Maraming nagsasabi and I don’t know if it’s a commendation, ‘alam mo ikaw ‘yung bakla na malinis, maayos, mabango, disente.’ It’s how you portray naman, eh and I think malaking facor ang upbringing,” say ni Chino.

Kuwento pa ni Chino na sagrado Katoliko ang pamilya niya at ang nanay niya ay laman ng simbahan at biro nga ay Knight of Columbus na lang ang hindi pa nito nasasalihan at kuning ley minister.

“So, siguro doon ko nakuha ‘yung passion to serve,” say ni kagawad Chino.

Ang kontrobersyal na tanong ni konsehala Aiko sa kapwa niya public servant, “Pinag-uusapan ng tao (ngayon) ang POGO lalo’t ang Paranaque ay surrounded by casinos. Ano ang stand mo ru’n.”

Diretsong sagot ni Chino, “Because of the recent issues medyo hindi ako sang-ayon sa POGO, sabi nga nila nagbibigay ng malaking revenue for that specific city pero kung kalakip no’n ay meron silang ginagawang illegal (like) tortures, kidnapping, or worse killings (at) kung ako ang chief executive kahit wala na lang POGO basta wala ring (illegal) ganu’n.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa, “Kasi kung ito-tolerate natin ang POGO na may kalakip na illegal activities, e, di sana nagbenta na lang tayo ng shabu (or) sana ni-legalize na lang natin ang drugs, mas malaki ang kita ru’n.”

“Very well said,” ang reaksyon ni Aiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending