NAGING “national issue” ang pagsasampa ng demanda ni Bea Alonzo laban sa mga online host na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.
Talagang pinag-usapan ang pagpa-file ng Kapuso actress ng cyberlibel case sa Quezon City Prosecutor’s Office kina Nanay Cristy at Mama Ogs dahil umano sa paninirang-puri sa kanya sa pamamagitan ng kanilang mga online show.
Makalipas ang ilang araw, nitong nagdaang June 18 naman ay nag-file si Ogie Diaz ng kanyang counter affidavit habang ang kang co-host niyang si Mama Loi ay naghain naman ng counter charges na perjury with damages laban kay Bea.
Kasunod nito, napagchikahan nina Ogie at Mama Loi sa kanilang latest YouTube vlog last Wednesday, June 19, ang tungkol sa naganap na demandahan.
Sa isang bahagi ng naturang vlog ay nagbigay ng kanyang saloobin si Mama Ogs sa mga nagtatanong kung hihinto o iiwasan na nila ang pagbabalita ng anumang tungkol kay Bea.
Sey ng content creator at talent manager, “So, yung iba sinasabi nila, ‘Baka hindi na kayo magbalita ng Bea,” sabay harap nito kay Mama Loi at nag-dialogue ng, “Gusto mo pa ba?”
Baka Bet Mo: True ba, Kiko Estrada na-insecure kay Joshua Garcia kaya biglang nag-resign sa ‘Darna’?
Super laugh muna si Mama Loi sabay palo sa braso ni Ogie, “Nagbalita naman tayo, ah. Kasi nga, ‘di ba, in line with public interest, ‘di ba. Siyempre, artista ‘yan.”
Sey naman sa kanya ni Mama Ogs, “Public figure ka e, ‘di ba. Siyempre, lahat naman…kapag nandito ka sa industriya at kahit sa politics, ‘di ba? Talagang subject to public opinion,to public scrutiny lahat.
“Lahat, kahit kami ganu’n din. Nadya-judge rin kami, naba-bash kami nang bonggang-bongga. Ayan nga sa ilalim (comment section ng kanilang vlog) sa comment below noh, kung ano-ano ang nababasa natin.
“Sinasabi sa amin, huwag na namin patulan, huwag na pag-usapan. E, pag may balita po paano?” katwiran ni Mama Ogs.
Isa sa mga nakasaad sa isinumiteng sworn affidavit nina Ogie ay ang umiiral ma batas hinggil sa “fair comment doctrine” na pinoprotektahan ng Supreme Court.
“Prescribed na ‘yung posting na nilagay nila sa complaint affidavit nila. November 2022 pa, one year lang kasi ang prescriptive period ng cyberlibel,” ang pahayag ng abogado nina Ogie na si Atty. Regie Tongol.
“Meaning, it was filed way beyond the one-year prescriptive period for Cyberlibel. As to this count, we are very confident that the charge against our clients would be dismissed,” dagdag niya.
Pagpapatuloy pa ng abogado, “Ang pangalawa naming sinabi doon na wala namang sinabi ‘yung client namin na si Ogie Diaz at ‘yung mga co-hosts.
“O, kung may sinabi man ‘yung mga co-hosts niya, ito ay nakapaloob pa rin sa fair comment doctrine na pinoprotektahan ng ating Korte Suprema about matters of public interest katulad na lang ng buhay at trabahong ginagawa ng complainant,” mariing sabi ni Tongol.
Bukod dito, nag-file rin sila ng “affirmative defense on improper venue”, “We filed an affirmative defense of improper venue. Alam naman natin na since 2022, sinabi na ni Bea na she’s a legal resident ng Spain.
“Kaya naman kung sasabihin niya na siya’y legal resident na ng Spain, then hindi na siya sa Quezon City actually nagre-reside,” esplika pa ng legal counsel nina Mama Ogs.
At dahil nga rito, nag-file ng counter-charge si Mama Loi laban kay Bea ng kasong perjury.
“Dahil sinabi niya yun, nag-file din si Loi Villarama ng counter charge na perjury, kasi obvious na obivous na nagsisinungaling siya sa kanyang complaint affidavit na sinabi niya na dito siya naka-reside sa Quezon City,” pahayag ng abogado.
Sa ngayon ay wala pang official statement ang kampo ni Bea tungkol sa counter affidavit ni Ogie at sa counter charge na perjury na isinampa ni Mama Loi.