Ryan Bang may pa-shoutout sa parents ng GF: Para rin akong anak nila!

Ryan Bang may pa-shoutout sa parents ng GF: Para rin akong anak nila!

Paola Huyong at Ryan Bang

TODO pasalamat ang Kapamilya TV host at comedian na si Ryan Bang sa kanyang girlfriend na si Paola Huyong pati na sa pamilya nito.

Sa birthday celebration ng komedyante sa “It’s Showtime” nitong nagdaan Sabado, June 22, ay may special pa siyang pa-shoutout para kay Paola.

In fairness, ang saya-saya ng naging selebrasyon ng kaarawan ni Ryan sa noontime show ng ABS-CBN at GMA 7, kung saan naghandog pa siya ng production number kasama ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Baka Bet Mo: Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Bukod sa pagpapamalas ng kanyang talento sa pagkanta ng OPM songs, ipakita rin niya sa madlang pipol ang galing niya sa pagtugtog ng piano at flute.

Kilig na kilig naman siyempre ang mga manonood pati na ang mga netizens na nakatutok sa mga online platforms ng Kapamilya Network sa kanilang cute na cute na oppa.

Nagpasalamat si Ryan kay Zsa Zsa at sa kanyang mga music teachers pagkatapos ng inihanda niyang birthday performance. Binati rin niya ang madlang Kapuso at lahat ng dumalo sa kanyang birthday sa “It’sShowtime”.


Naghiyawan at nagpalakpakan din ang studio audience nang pasalamatan din niya ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.

Pati ang pamilya ng kanyang dyowa ay pinasalamatan ng komedyante at TV host dahil daw sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito.

“‘Yung family ni Paola, grabe ‘yung pagtanggap nila sa akin. Para akong anak nila. Mahal na mahal ko po kayo,” pahayag ni Ryan.

Baka Bet Mo: Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: ‘Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde’

“Kung gaano ko po i-honor ‘yung magulang ko ganoon din ka-honor ‘yung parents ni Paola. Kaya thank you so much.

“Galing ako ibang bansa pero ‘yung pagtanggap n’yo po sa akin para akong anak ninyo (ng) Pilipino. Kaya maraming, maraming salamat,” aniya pa.

Matatandaan na noong August 29, 2023 ay ibinandera ni Ryan ang madlang pipol na “in a relationship” na raw ang kanyang status kasabay ng pagsasabing in-introduce na niya ang girlfriend sa kanyang mga magulang at pamilya sa South Korea.

Read more...