Sheena Palad nag-sorry sa TikToClock contestant:I went overboard

Sheena Palad nag-sorry sa ‘TikToClock’ contestant: I went overboard

Therese Arceo - June 22, 2024 - 04:26 PM

Sheena Palad nag-sorry sa TikToClock contestant: I went overboard

NAG-SORRY ang young singer na si Sheena Palad matapos ang kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanya ng netizens dahil sa umano’y pananakit nito kamakailan sa ‘TiktoClock’ contestant na si Rica Maer.

Sa kanyang Facebook account ay inamin ng Kapuso singer ang kanyang pagkakamali at sinabing lumagpas siya sa kanyang limitasyon habang kumakanta dila sa segment na “Beat My Birit.”

“Beat My Birit is a segment on Tiktoclock described as ‘Bardagulan at Biritan.’ I realized afterward na I went overboard at nasaktan ko po si Rica,” lahad ni Sheena.

Humingi naman raw siya kaagad ng tawad kay Rica matapos ang segment.

Baka Bet Mo: Donita, mister suportado si Sheena Palad matapos ma-bash sa FAMAS

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Nag sorry po ako kaagad kay Rica after our segment at hanggang sa kinagabihan po nang araw na yon hiningi ko po ng tawad sa kanya,” sey pa ni Sheena.

Dagdag pa niya, “Maayos po kami ni Rica ngayon at napatawad nya na po ako sa mga pangyayari. Naguusap din po kami and she is assuring me that she is okay.”

Humingi rin ng paumanhin si Sheena sa mga netizens na na-offend sa inasta niya kay Rica sa naturang segment.

“Sana po ay mapatawad n’yo din po ako sa aking ginawa. Nasaktan ko din po kayo kasama na din ang pamilya ni Rica, sa fiance po niya, sa mga kaibigan at mga sumusuporta po sa kanya.

“Nakipagusap na din po ako sa mga bumubuo ng Tiktoclock at gusto ko din po gamitin ang pagkakataon na ito na humingi ng tawad sa aming mga bosses, sa director, sa mga hosts at staff sa aking actions,” sabi pa ni Sheena.

Matatandaang bago ang kanyang public apology ay naglabas rin ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Villasis upang ipakita ang suporta kay Rica at para tawagin na rin ang pansin ng Kapuso star at ipaabot rito na hindi nila nagustuhan ang ginawa nito sa kanilang kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending