Bea, Dominic nag-break dahil sa religion, di nagkasundo sa kasal?

Bea, Dominic naghiwalay dahil sa relihiyon, hindi nagkasundo sa kasal?

Reggee Bonoan - June 20, 2024 - 08:21 AM

Bea, Dominic naghiwalay dahil sa relihiyon, hindi nagkasundo sa kasal?

Dominic Roque at Bea Alonzo

HOW true na relihiyon ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon na nina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Ito ang report ni Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog kasama sina Mama Loi at Tita Jegs na in-upload sa YouTube channel kagabi.

Matatandaang walang ibinigay na dahilan ang ex-couple kung bakit nila kinol-off ang kasal at kamakailan nga ay inamin din ni Bea sa “24 Oras” sa panayam ni Nelson Canlas na hindi siya ang nag-initiate ng break-up.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque

Kuwento ni Ogie, “Kay Bea na rin nanggaling na hindi siya ang nakipag-break, so, obviously ang iniisip ng mga tao ay si Dominic ang nakipag-break kay Bea.

“According sa mga naririnig ko, e, tama naman si Bea. Ito ang senaryo na ang gusto raw ni Dominic ay Christian wedding.

“Kino-convince nitong si Dominic si Bea na mag-convert sa Christian. According sa mga naririnig ko si Bea ay hindi pa siya convinced.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So, wala pa sa kamalayan ni Bea na mag-convert bilang Christian. Ito naman daw si Dominic ay baka hindi magkatuluyan o magkahiwalay sila kung sakali na hindi pumayag si Bea.

“So, lumalabas na hindi pa panahon para kay Bea raw na magpalit ng relihiyon kaya na-call off nga ‘yung wedding at ‘yun nga raw si Dominic ay hindi makapayag, so wini-win back niya ngayon si Bea. At si Bea ay nag-decide ng ‘wag nang ituloy ang (kasal) ayaw na rin niya.

Baka Bet Mo: Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: ‘Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan’

“Ito ‘yung mga nakakarating na kuwento sa akin. Kaya itatanong na lang natin dito (Showbiz Update), Bea, Dominic totoo ba ito? Kasi mas magandang sa kanila na lang natin marinig ang katotohanan tungkol dito.”

Sagrado Katoliko si Bea at ang buo niyang pamilya at sa katunayan ay nagpatayo siya ng maliit na kapilya sa pag-aari nilang Beati Firma Farm na may sukat na 16 hectares at matatagpuan  sa Iba, Zambales.

“Alam mo Loi sa pagkakaalam ko sa farm ni Bea sa Zambales, nagpatayo siya ro’n ng church (ipinakita ang mga larawan ng kapilya), Beati Firma Chapel.

“At si Dominic naman base sa pagkakakilala ko ay Christian talaga siya at nasabi rin niya (dati) sa interview na gusto niya ay Christian wedding,” say ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay wala pang balita kung nag-uusap pa rin sina Bea at Dominic pero base sa mga larawang ipinost nila sa kani-kanilang social media account ay mukhang naka-move on na sila pareho sa breakup.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending