Ogie sa parusang persona non grata kina Rendon at Rosmar: Sayang talaga!
NANGHINAYANG ang online host at talent manager na si Ogie Diaz sa ginagawang pagtulong nina Rendon Labador at Rosmar Tan sa mga nangangailangan nating kababayan.
Ito’y sa gitna ng pinakabagong kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng dalawang social media personality kaugnay ng pagsugod nila sa munisipyo ng Coron sa Palawan.
Pinatawan ng “persona non grata” sina Rendon at Rosmar, pati na ang iba pa nilang kasamahan sa Team Malakas dahil sa paninigaw at panduduro sa isang staff ng munisipyo sa Coron.
Baka Bet Mo: Rosmar Tan nag-sorry: Ang mali ay ‘di dapat gantihan ng isa pang mali
Nagsagawa kasi ng charity event ang grupo nina Rendon at Rosmar sa nasabing probinsya pero may isa ngang empleyado roon ang nagreklamo dahil hindi man lang daw inabutan kahit na magkano ang ilang residente ng Coron na nag-assist sa Team Malakas.
View this post on Instagram
Nag-post ang naturang staff sa Facebook at ninega sina Rendon at Rosmar. Nagalit ang dalawang influencer at pinagalitan sa loob mismo ng munisipyo ang babaeng empleyado.
Ang latest nga, balak pa raw kasuhan ng mga opisyal ng local government ng Coron ang grupo nina Rendon dahil kabastusan daw ang kanilang inasal.
Sa kanyang Facebook page naman, nagbigay ng saloobin si Ogie Diaz hinggil sa isyu. Narito ang buong pahayag ni Mama Ogs.
“Dahil lang sa pinairal ang init ng ulo at parang siga na nagtutungayaw sa barangay hall at pinagdududuro pa yung babae sa Coron, Palawan, ang ending — persona non grata.
“Buong lalawigan ng Palawan ay hindi na welcome ang grupo ng Team Malakas ni Rosmar Pamulaklakin, damay pa si Pareng Rendon Labador.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Rabiya Mateo ‘tinawanan’ si Rosmar Tan: ‘Tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?’
“Pwede namang kausapin nang mahinahon yung girl na nag-post tungkol sa maling patawag ng pagbibigay ng regalo sa mga residente ng Coron, inobliga pa raw na humingi ito ng public apology.
“Na ang ending— ‘yung grupo ng Team Malakas ang humingi ng public apology.
“Hindi na tuloy malaman ng mga netizen kung clout chasing ang naganap o sadyang sinadya para makakuha ng atensiyon sa social media.
View this post on Instagram
“Yung kabutihan ng puso ni Rosmar, nabalewala tuloy. ‘Yung pagbibigay ni Rendon ng motivation sa mga tao, nakalimutan na rin ng mga tao.
“Sayang. Sayang talaga. Kahit pakainin mo yata lahat ng tao sa Coron ng pares overload ni Diwata o Hiwaga o yung baked mac ng hearttrob ng Marikina ay mukhang galit, eh.
“Lalo na yung mga pulitiko doon. Talagang pursigido rin silang kasuhan ng oral defamation dahil nga daw nagtutungayaw si Rendon,” litanya ng content creator.
Ipinost pa ni Ogie ang video kung saan nagsalita ang isang opisyal sa munisipyo tungkol sa pagdedeklara ng persona non grata kina Rendon at Rosmar. Sabi ni Mama Ogs, “Eto yung kuha sa session hall, kayo na ang humusga. Behave muna ako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.