Netizens panay post sa pictures nina Trina at Charlie

Netizens panay post sa pictures nina Trina at Charlie, magkahawig daw?!

Reggee Bonoan - June 16, 2024 - 04:46 PM

Netizens panay post sa pictures nina Trina at Charlie, magkahawig daw?!

Trina Candaza, Charlie Dizon (1)

ILANG araw nang trending ang pinagtabing larawan nina Trina Candaza at Charilie Dizon-Aquino dahil magkahawig daw.

Si Trina ang ex-partner at nanay ng anak ni Carlo Aquino na si Enola Mithi at si Charlie ang asawa ngayon ng aktor.

Napansin na namin ito bago pa ikasal sina Carlo at Charlie na hawig ang dalawang babae, pero dinedma namin dahil baka sabihing gumagawa kami ng isyu and it turned out na isyu na nga talaga after the wedding dahil kanya-kanyang posts na ang netizens ng larawan nina Trina at Charlie.

Hindi na namin iisa-isahin ang mga pangalan ng netizens sa social media na iisa lang din ang mga komento.

Kabilang na riyan ang sinasabing, “Iisa ang tipo ng babae ni Carlo,” “Ang lakas ng dating ni Trina,” at may nagsabi pang baka raw malito si Mithi na kaagad ding binura dahil involved ang bata.

Baka Bet Mo: Mga nanay bumilib sa tapang ni Trina Candaza bilang single mom: ‘Grabe ka, nakakaiyak ang nangyari sa ‘yo’

Netizens panay post sa pictures nina Trina at Charlie, magkahawig daw?!

PHOTOS: Screengrab from socmed

Sitsit ng aming source na may nagsabi raw kay Trina na hawig niya si Charlie at wala raw reaksyon ang mommy ni Mithi na tila walang narinig kaya hindi na ito inulit ng nagsabi.

Marahil ay hindi naman ito napansin ni Carlo dahil ganu’n naman talaga, hindi ito mapapansin ng taong involved lalo na kapag laging magkasama, lalo’t sobra siyang inlove kay Charlie at pilit nitong kinakalimutan ang past.

Ngayong viral na ang photos ng dalawang babae sa social media ay baka nakita na ito ng aktor at tiyak na tatawanan na lang niya ito.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Charlie na kahawig niya ang nanay ng anak ni Carlo?

Speaking of Charlie, hindi niya binati ang asawa ng Happy Father’s Day bilang may anak naman na ang aktor.

Ang pinost niya ay ang mga larawan nila sa kasal ni Carlo kung saan lubos siyang nagpasalamat dahil sa dalawang milestone ng kanyang buhay recently, ang magwagi ng best actress sa Gawad Urian Awards at kinabukasan ay ikinasal siya kay Carlo.

“Grabe ang timing Lord, I believe this is all YOU,” bahagi ng kanyang caption sa Instagram.

Dagdag pa niya, “I am proud that we are here today with people who genuinely love us. And that’s what truly matters, celebrating our love with the people who mean the most.”

Tsinek namin ang IG account ni Carlo kung may bagong post ito tungkol sa anak, pero wala at matagal nang naka-pin ang larawan ni Mithi na kuha sa kaarawan nito two years ago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binista rin namin ang IG stories ni Trina at ang latest post niya ay magkasama sila ng anak ilang oras na ang nakakaraan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending