Ryzza Mae Dizon emosyonal sa b-day celebration sa 'Eat Bulaga'

Ryzza Mae Dizon emosyonal sa birthday celebration sa ‘Eat Bulaga’

Therese Arceo - June 13, 2024 - 08:40 PM

Ryzza Mae Dizon emosyonal sa birthday celebration sa 'Eat Bulaga'

NAGING emosyonal ang TV host-comedienne na si Ryzza Mae Dizon sa naging sorpresang cotillion na inihanda sa kanya ng mga co-hosts sa “Eat Bulaga” bilang parte ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Nitong Huwebes, June 12, mapapanood sa “Eat Bulaga” ang pagdiriwang ng kanyang birthday.

Matapos ang pagbibigay ng pagpapalabas ng mga video greetings ng mga taong malalapit kay Ryzza pati na rin ang gift giving ng mga dabarkads sa kanya ay isang suprise cotillion ang nangyari para sa dalaga.

Chika ni Bossing Vic, hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng cotillion ang dalaga noong ika-18th birthday nito last year dahil sa pandemya.

Baka Bet Mo: Ryzza Mae Dizon pinuri ang kakaibang charm at beauty; Royce inatake ng ‘sepanx’

Bandera IG

Una siyang isinayaw ni Wally Bayola na sinundan naman ni Paolo Ballesteros, at sinundan rin ni Jose Manalo na may pa-surpresa ring regalo.

Present rin na nagsayaw kay Ryzza ay ang dalawa nitong kapatid. Makikita ang labis na tuwa niya lalo na nang sumulpot ang kanyang nakababatang kapatid.

Sunod namang nagsayaw sa kanya sina Allan K, Joey de Leon, at si Vic Sotto kung saan naging emosyonal ang dalaga.

Wish ng kapatid ni Ryzza na si Ken para sa kapatid, “I hope she accomplish all the dreams she has.

Hindi naman nakalimutan ni Ryzza na magpasalamat sa kanyang mga kasamahan na hindi siya itinuring na iba at tinanggap siya bilang siya.

“Gusto ko lang po mag-thank you po unang-una kay Lord sa panibago pong taon… Thank you rin po sa pamilya ko po sa pagmamahal po and support nila sa akin. Kay Mama, sa Papa po, sa mga kapatid ko po, thank you po.

“Sa pangalawa ko pong pamilya, ang Eat Bulaga. Bossing Vic, Boss Joey, Tito Sen, thank you po,” sey ni Ryzza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat rin ang dalaga sa lahat ng mga tao sa likod ng “Eat Bulaga” dahil ginaww nitong espesyal ang kanyang kaarawan.

“Thank you po dabarkads. Thank you po sa inyong lahat kasi ginawa n’yo pong mas masaya po ‘yung birthday ko and mahal na mahal ko po kayong lahat,” sey pa ni Ryzza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending