Dream house ni Ryzza Mae Dizon under construction na! | Bandera

Dream house ni Ryzza Mae Dizon under construction na!

Therese Arceo |December 03,2021
facebook
share this

Dream house ni Ryzza Mae Dizon under construction na!

Therese Arceo - December 03, 2021 - 09:55 AM

Dream house ni Ryzza Mae Dizon under construction na!

LABIS ang saya ng batang aktres na si Ryzza Mae Dizon ngayong unti unti nang itinatayo ang kanyang dream house.

Unti-unti na ngang nakakamit ng 16-year-old young star ang kanyang mga pangarap at isa na nga rito ang pagkakaroon ng sariling bahay na mula sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa showbiz.

Sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ni Ryzza Mae ang kasalukuyang lagay ng ipinapatayong bahay.

“Under construction na po ang aming dream house!!! Super special po sa akin to kaya nag vlog ako,” saad ng tinaguriang “Aling Maliit”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)

“Thank you po Lord sa blessing na ito,” dagdag pa ni Ryzza Mae.

Marami sa mga netizens ang natuwa para sa bagong achievement ng batang aktres.

Ilan rito ay mga kasamahan ni Ryzza Mae sa “Eat Bulaga”.

“Ikaw na talaga Bibigurrrr,” comment ni Allan K.

“Congratulations @ryzzamaedizon_! Super proud ako sayo! God bless you Always,” sabi ni Rodjun Cruz.

‘Congrats bibi ghorl!!!!!” saad ni Pauleen Luna-Sotto.

“Kaya pala UNDER THE CONSTRUCTION ka! Punta ka sa bubong para OVER! Ngek! Lumalaki na at syempre mas gumaganda! Hi Ry!’ hirit naman ni Joey de Leon.

Sa kanyang vlog naman ay ipinakita niya ang mas detailed version ng kanyang update sa ginagawang dream house kung saan kitang-kita ang napakagandang view ng Mt. Arayat.

Bakas rin ang excitement niya at ng kanyang pamilya sa vlog habang binibisita ang bawat bahaging ng construction ng kanilang future home.

Unang nakilala si Ryzza Mae nang sumali siya sa “Little Miss Philippines” ng “Eat Bulaga”.

Six years old lang siya noong manalo siya sa naturang contest at dahil sa pagiging bibo ay agad siyang kinagiliwan ng mga dabarkads kaya naman agad siyang naging isa sa mga hosts ng longest running noontime show sa bansa.

Nagkaroon rin siya ng sarili niyang show na pinamagatang “The Ryzza Mae Show” at itinanghal bilang pinakabatang talk show host sa edad na 6.

Related Chika:
Ryzza Mae kinakarir ang fitness journey: Siyempre nagdadalaga na po ako at para magkaleeg na rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending