KCC pasabog sa mga libreng K-culture ganap, aarangkada hanggang Hulyo
ANG bongga naman ng mga inihandang pasabog ng Korean Cultural Center in the Philippines (KCC), lalo na para sa Pinoy fans!
Aasahan na punong-puno ng K-Culture events ngayong buwan hanggang Hulyo mula sa traditional performances, webtoon exhibits at K-Pop festivals.
Ang good news pa, libre lang itong ma-a-avail ng publiko!
Narito ang listahan ng mga gimik ng KCC na pwede niyong abangan bilang parte ng pagdiriwang para sa ika-75th years of friendship sa pagitan ng Korea at Pilipinas.
Baka Bet Mo: KCC binuhay ang ancient Korean paintings, pasabog ang digital art exhibit
Korea Festival sa Cebu
Matapos ikasa sa Pasay City noong Mayo, dadalhin naman sa Cebu ang “K-Culture Next Door: 2024 Korean Festival” na gaganapin sa June 15 at 16 sa Mountain Wing Atrium and Skyhall ng SM Seaside City Cebu.
Ilan lamang sa mga highlights ng event ang dance company mula sa Jeju Island, ang Korea’s fusion taekwondo team na K-Tigers, at siyempre hindi pahuhuli ang University of Cebu Dance Company na ibabandera ang traditional Filipino dance.
K-Comics World Tour
Saksihan naman ang umuusbong na mundo ng Korean webtoons sa “K-Comics World Tour” na gaganapin sa Groundspace Gallery, The M sa BGC mula June 21 hanggang August 10.
Ito ay hosted by the Ministry of Culture, Sports and Tourism (MCST) at ng Korea Creative Content Agency (KOCCA).
Sa event na ‘yan malalaman kung paano nahubog ng webtoons ang Korean entertainment industry, kung saan sumikat ang K-drama adaptations katulad ng “What’s Wrong with Secretary Kim” at “Red Sleeve.”
Magkakaroon din ng Webtoon workshop sa June 21. Kung interesado kayo, mag-register lang hanggang June 14 sa bit.ly/KComicsWorkshop
K-Drama OST Concert
Para naman sa mga K-drama lovers diyan, perfect sa inyo ang “OST Symphony: K-drama in Concert featuring the Philippine Philharmonic Orchestra.”
Ito ang kauna-unahan sa ating bansa na inorganisa ng KCC in collaboration with the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP).
Mangyayari ito sa June 29, 2pm, sa Metropolitan Theater sa Manila.
Libre lang din ito, pero kailangan niyo mag-reserve ng seats sa bit.ly/ostsymphony.
KPOP Academy
Kung bet niyo naman ang mala-K-Pop star in the making, join na kayo sa “KPOP Academy” na magaganap sa Hulyo.
Ang mga interested applicants ay pwedeng mag-register hanggang June 13 via bit.ly/KPOPAcademy.
Tampok diyan ang mentors katulad nina Jihoon from AUSPICIOUS, a seasoned choreographer and dancer na nakasama na ang Korean idols katulad nina SHINee’s Onew, Tomorrow X Together, and EXO.
Nariyan din si Ciel from ACE DANCE STUDIO, ang Performance Director of Dreamcatcher at trained idols katulad nina Dalshabet and ‘Masked Singer’ Sohyang.
At siyempre, ang five-member P-pop group na KAIA na mangunguna sa recital day ng event.
Everyone’s KPOP: Manila
Sa susunod na buwan na rin ang taunang annual K-Pop Cover Dance Festival na “Everyone’s KPOP: Manila.”
Mangyayari ito sa July 6 sa Mega Fashion Hall ng SM Megamall.
Kaabang-abang ang papremyo diyan na trip to Korea, pati na rin ang ilang fan club booths, stage games, at surprise performances!
Ang saya ng mga pa-activities ng KCC, ‘diba?
Kaya naman i-save niyo na mga ka-BANDERA ang mga dates, lalo na’t libre lang lahat ‘yan!
Para sa iba pang impormasyon at updates, i-follow na ang social media pages ng KCC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.