Annabelle inabswelto si Sarah sa 'Chucky' post: Hindi S...E!!!

Annabelle inabswelto si Sarah sa ‘Chucky’ post: Hindi S ang initial…E!

Ervin Santiago - June 12, 2024 - 10:11 AM

Annabelle inabswelto si Sarah sa 'Chucky' post: Hindi S ang initial...E!

Annabelle Rama, Esther Lahbati at Sarah Lahbati

NAKAKALOKA! Na-wow mali pala ang mga netizens na nagkomento sa patutsada post ni Annabelle Rama tungkol sa isang taong gusto niyang kalabanin.

Hindi raw si Sarah Lahbati ang “Chucky” (stuffed toy na sinasaniban ng demonyo sa horror movie na “Child’s Play) ang pinatatamaan ng matapang at palabang talent manager sa kanyang Facebook post.

Noong June 5, nag-post ang nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez sa kanyang FB page tungkol sa hindi nito pinangalanang “Chucky” na gusto raw makasagupa ni “Annabelle Doll” (isa pang manyika na nabubuhay kapag sinapian na ng devil sa pelikulang Annabelle).

Baka Bet Mo: Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa ‘It’s Showtime’

Sabi ng talent manager sa kanyang cryptic post,”Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo.

“Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis.

“Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?” ang nakakaintriga pang pahayag ng celebrity mom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Halos lahat ng nabasa naming komento ay nagsabing si Sarah ang pinatatamaan ng talent manager at ang Barbie Doll na tinutukoy niya ay si Barbie Imperial na nali-link ngayon sa anak niyang si Richard.

Pero sa latest post ni Tita Annabelle ay tila kinorek niya ang mga nagsabing si Sarah ang tinutukoy niyang “Chucky”. Sa comments section ng kanyang FB post sinabi ng nanay ni Richard na, “MALI ang hula nyo kung sino si CHUCKY.”

Baka Bet Mo: Annabelle mas boto kay Barbie, kalaban si Chucky: Alam n’yo na kung sino yun!

Tinanong naman ng sikat na social media personality na si Senyora si Tita Annabelle ng, “Initials po ni Chucky?”

Sagot naman ng talent manager, “Senyora matalino ka day! Dapat alam mo na. Hindi S. (kundi) E!!”

Kasunod nito, sunud-sunod ang comments ng netizens at halos iisa ang kanilang hula sa pa-blind item ni Tita Annabelle — malamang daw na ang nanay ni Sarah na si Esther Lahbati ang kanyang tinutukoy.

May isang netizen pa ang nagtanong uli sa nanay ni Richard ng, “Yung ina ba ni SL (Sarah Lahbati)?” Na sinagot ni Tita Annabelle ng face with tongue emoji.

Nakarating naman kay Esther Lahbati ang post ni Tita Annabelle sa pamamagitan ng komento ng isang IG user sa kanyang Instagram post na, “Tingnan nyo po yung post ni Ms Annabelle Rama sa facebook oh.”

Ang tugon ni Esther sa kanya, “Bakit no need abala lang sa akin,Thank you. Hayaan na natin sya. si LORD na bahala sa kanya.”

Matatandaang noong December, 2023 ay nagpasaring na rin ang talent manager laban sa isang taong tinawag niyang “devil woman”  sa ipinost niyang kuwento tungkol sa Hollywood movie na Gone Girl (2014).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang caption ni Tita Annabelle, “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR. Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending