Xian babu sa bait-baitan image, kinarir ang pagiging 'psycho'

Xian Lim babu sa bait-baitan image, kinarir ang pagiging ‘psycho’

Ervin Santiago - June 11, 2024 - 07:39 AM

Xian Lim babu muna sa bait-baitan image, kinarir ang pagiging 'psycho'

Xian Lim, Sanya Lopez, Faye Lorenzo at Coleen Garcia

SIGURADONG ikaka-shock n’yo ang mga eksenang ginawa ni Xian Lim sa bago niyang movie, ang “Playtime” kasama sina Coleen Garcia, Sanya Lopez at Faye Lorenzo.

Ito ang unang pagkakataon na gaganap si Xian bilang isang sexual predator sa isang suspense-thriller movie mula sa bonggang collaboration ng GMA Pictures at Viva Films.

“When they offered me the role, my character, sabi nga nila, Lucas, would be after the three girls. Sabi ko ah, maybe I should veer away from the parang boy next door, loving son, romantic lead image, and move into like a big guy, right?

Baka Bet Mo: Faye Lorenzo nakakaloka ang chika sa unang pagkikita nila ni Coleen

“If I’m with three girls, they won’t be able to get away from me. So, it was my conscious effort to gain muscle mass for this.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Mentally, it’s just getting into the mindset that you’re playing a psychopath. So, it’s a bit hard, but kinaya naman,” pahayag ni Xian sa presscon ng “Playtime” na ang tinutukoy ngang three girls ay sina Sanya, Faye at Coleen.

“I feel grateful and blessed na mabigyan ako ng pagkakataon to portray something out of the box. I would say daring. The project was offered sa kasagsagan ng taping ng Love.Die.Repeat.

“Sabi ko please count me in. Iba pa yung title noong mga panahon na yun. Sabi ko ikuwento n’yo na lang sa akin mamaya at game na ako diyan. That’s how fast yung proseso ng pag-uusapan namin,” pagbabahagi pa ni Xian.

Baka Bet Mo: Relasyon nina Xian at Kim na tumagal ng 12 years ‘playtime’ lang ba?

Sey pa ng Kapuso star, tinanggap niya ang “Playtime” dahil gusto niyang hamunin ang sarili na gampanan ang super dark character kalimutan muna ang kanyang boy-next-door image.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“A couple of days ago, magkakasama kami nila Sanya, Coleen and Faye, and we discussed characters in the movie. A huge part of the movie is may tiwala kami sa isa’t isa.

“Mahirap talaga to be in a situation na you have to believe ito ang nangyayari especially with the direction of Mark Reyes. Sabi nga namin, ‘Direk, ano ba ang gagawin namin dito?’ In every scene tumutulong naman palagi si direk. Tiwala lang talaga sa isa’t isa,” lahad pa ng ex-dyowa ni Kim Chiu.

Sa tanong kung ano ang magiging take away ng manonood sa movie nila, “Isang lesson na mapupulot sa movie na ito is, do not put yourself in a compromising situation.

“Ako po laki ako sa lola at nanay, so ang mga sensibilities ko is parang mga 80s pa. Nowadays ang dami-dami talagang nangyayari so think twice and be extra safe.

“Huwag sanang maniwala basta-basta sa mga online things because it’s easy to make up things online,” sabi pa niya.

Iikot ang kuwento ng “Playtime” sa tatlong kababaihan mula sa iba’t ibang mundo pero magkukrus ang kanilang mga landas dahil matapos ma-fall sa isang lalaking agad nilang pinagkatiwalaan.

Ang hindi nila alam, isang demonyo pala na nagtatago sa imahe ng anghel ang lalaking bigla na lang dumating sa kanilang buhay.

Sabi ni Sanya, “Marami kaming ginawa dito na lahat kami first time naming gawin. It’s one of those suspense thrillers na kakaiba sa the usual na napapanood ninyo. Mayroon ako ditong ginawa na first time n’yong makikita.

“Kaming tatlo kasi iba-iba ang character namin at iba-iba rin ang kuwento namin dito. Kaya sana abangan n’yo kasi exciting, sobrang suspense. Sana maramdaman ninyo kung gano kami hiningal at nahirapan sa kuwento,” dagdag pa ni Sanya.

Sey naman ni Coleen, “All the characters are really interesting. It’s very thrilling, it’s very suspenseful. You wouldn’t be able to guess what will happen. I think, all of us, the artists in this movie, it’s new for us, everything we did.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa cast sina Bruce Roeland, Haley Dizon, Kim Perez, Lienel Navidad, at Camille Patricia Guzman. Showing na ang “Playtime” in cinemas nationwide beginning June 12.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending