Zeinab super flex ng 1st anniversary nila ni Bobby Ray; lumafang

Zeinab super flex ng 1st anniversary nila ni Bobby Ray; lafang sa Japan

Ervin Santiago - June 11, 2024 - 12:35 AM

Zeinab super flex ng 1st anniversary nila ni Bobby Ray; lafang sa Japan

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks kasama ang mga anak ng sexy vlogger

PROUD na proud na ibinandera ng content creator na si Zeinab Harake ang pagse-celebrate nila ni Bobby Ray Parks ng kanilang first anniversary as a couple.

In fairness, sa Japan talaga nagdiwang ng unang anibersarsyo ang magdyowa base na rin sa napanood naming latest vlog ng aktres at social media personality.

Makikita sa video ang dinner date nina Zeinab at Bobby Ray sa sosyaling restaurant sa isang lugar sa Nagoya, Japan na dinarayo talaga ng mga turista.

Baka Bet Mo: Heart naloka sa birthday at Valentine gift ni Chiz, natagpuan ang matagal nang hinahanap

Pero kuwento ni Zeinab, bago raw ang kanilang actual dinner date, naglaan muna ng oras ang dyowa niyang professional basketball player para um-attend sa isang fan event sa Nagoya.

“Anniversary namin ni daddy Ray and guess what nagtatrabaho siya. At kahit nagtatrabaho siya nandito tayo to support to watch him,” simulang pahayag ni Zeinab.

Aniya pa, “Fan day nila ngayon, thanksgiving sa mga fans nila after noong buong season.

“Sumakto talaga sa dami-dami ng fan day ay anniversary namin but it’s all good.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


“After naman ng ganap niya today diyan ay magdi-dinner kami mamaya doon na lang namin ise-celebrate,” chika pa ng sexy vlogger.

At pagkatapos nga ng event, dumiretso na ang celebrity couple sa favorite restaurant nila Nagoya kung saan super lafang sila ng yakiniku.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: ‘Malay ko bang seryoso ‘tong kumag na ‘to…hindi lang ako love niya, pati kids’

Sa isang bahagi ng video, mapapanood ang nangyaring “exchange gift” para sa celebration ng kanilang first anniversary.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Niregaluhan ni Zeinab ang dyowa ng isang luxury bag, habang nakatanggap naman ang vlogger ng bagong luggage mula sa basketball player.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending