Piolo corrupt official, sukdulan ang kasamaan sa Pamilya Sagrado

Piolo corrupt official, sukdulan ang kasamaan sa ‘Pamilya Sagrado’

Ervin Santiago - June 10, 2024 - 01:31 PM

Piolo corrupt official, sukdulan ang kasamaan sa 'Pamilya Sagrado'

Grae Fernandez, Piolo Pascual at Kyle Echarri

“ANG tindi!” Yan ang nagkakaisang reaksyon ng mga nakapanood sa ilang episode ng latest drama series ng ABS-CBN, ang “Pamilya Sagrado” starring Piolo Pascual.

Ito ang pagbabalik ni Piolo sa primetime teleserye makalipas ang dalawang taon mula nang gawin niya ang Pinoy version ng hit Korean series na “The Flower of Evil” opposite Lovi Poe.

Pinalakpakan nang bonggang-bongga ng lahat ng dumalo sa celebrity screening at presscon ng “Pamilya Sagrado” ang cast members at buong production.

Ibang-ibang Piolo Pascual naman ang mapapanood sa serye bilang Rafael Sagrado, isang tiwali at corrupt na opisyal sa kuwento.

Baka Bet Mo: Aiko sa rebelasyon ni Eric Quizon: Akala ko hindi niya ako type!

Ito ang sinasabing biggest teleserye ng Dreamscape Television, ang huling proyektong pinagtuunan at pinaglaanan ng panahon ng yumaong TV executive na si Deo Endrinal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ni Papa P, bukod daw kay Sir Deo, tinanggap niya ang proyekto dahil feeling niya, ibang challenge na naman ang haharapin niya rito at matagal na raw niyang hinihintay ang ganitong material.

“He’s not all good. He starts out really dark. I really brought out the darkest side of him to show his redemption towards the end. I always try to diversify and do roles na alam kong hindi ko pa nagagawa and that would really challenge me as an artist,” paglalarawan ni Piolo sa kanyang karakter.

Pero ipinagdiinan ni Piolo na kahit masama ang role niya sa kuwento, siniguro niyang maraming aral na mapupulot ang mga manonood.

“There has to be redemption for the character. They can’t be bad all the way. That’s why I am excited for the journey of my character because he starts out bad but through the journey of the story he’s gonna turn into good,” ani Papa P.

Baka Bet Mo: Bela pasok na rin sa ‘Pamilya Sagrado’, ka-loveteam din si Piolo?

Dagdag pa niya, “So it has to have redemption. If there’s no hope, then let’s not do it. That’s my mantra in life.

“If I’m not gonna learn anything from your film, from your story, which would make me a good person, a better person to say the least, I won’t do it. I won’t even watch it. I won’t recommend it.

“That’s why all my films, mamatay man ako in the end, there’s redemption for the story or character but it has to end on a good note,” katwiran pa ng award-winning actor.

Sey pa niya tungkol sa karakter niya as Rafael Sagrado, “Napakasarap paglaruan kasi napakasama niya. Tapos alam mong maraming paghuhugutan doon sa conflict na pagdadaanan ng character niya. Napaka-complex ng story. Hindi ka nakakahon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


“As the scripts come, ikaw mismo maa-amaze sa pag-expose ng mga conflict. And it’s just nice to be in that ride. Be a collaborator, be a team player. Kung gagawa ako ng teleserye ito na ‘yun,” aniya pa.

Natatandaan pa raw niya ang isang proyektong tinanggihan niya noon, “There was concept that was pitched to me before and I said, parang walang redemption ‘yung character.’ Ayoko naman ng ganu’n.

“When you want to show something to your viewers, you want something that can bring with them and learn from it para may learnings, may hope, may redemption doon sa istorya,” dagdag ni Piolo.

Siguradong titindig ang inyong balahibo sa pagbabalik-telebisyon ni Piolo sa “Pamilya Sagrado” kung saan makakasama niya sina Kyle Echarri at Grae Fernandez.

Pagkatapos bigyang-buhay ang iba’t ibang karakter, mapakilig, drama, o aksyon, sasabak naman si Piolo bilang tiwaling opisyal na si Rafael Sagrado.

Nakatakdang gumimbal sa mga manonood ang “Pamilya Sagrado,” isang kwento kung saan sukdulan ang kasamaan at kapangyarihan para protektahan ang pinaka-iniingatang reputasyon.

Makikilala sa kwento si Rafael, isang gobernador mula sa maimpluwensiyang pamilya na maraming itinatagong baho. Masasangkot naman sa magulong mundo ng pulitika ang dalawang binata na sina Moises (Kyle), isang simpleng bata na sanay sa hirap, at si Justine (Grae), ang mayabang na anak ni Rafael.

Sa kabila ng kanilang magkaibang pamumuhay, magiging close sa isa’t isa sina Moises at Justine. Subalit, babaliktad ang kanilang mga mundo nang idiin sa fraternity group ni Justine ang pagkamatay ng isang estudyante dahil sa hazing.

Para protektahan ang kayamanan at kapangyarihan ng pamilya Sagrado, isusugal ng mga ito ang lahat, maski ang kanilang mga prinsipyo at mga mahal sa buhay. Pero paano nila maisasalba ang kanilang reputasyon kung isa-isang mauungkat ang matagal na nilang itinatagong mga masalimuot na sikreto?

Huwag palampasin ang “Pamilya Sagrado” simula June 17, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC.

Ang “Pamilya Sagrado” ay idinirek nina Lawrence Fajardo, Andoy Ranay, at Rico Navarro at kabilang din sa serye sina Shaina Magdayao, Mylene Dizon, Rosanna Roces, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, John Arcilla, at Joel Torre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sina Daniela Stranner, Jeremiah Lisbo, Alyanna Angeles, Micaela Santos, River Joseph, Emilio Daez, Sean Tristan, Austin Cabatana, Luis Vera Perez, Dustine Mayores, Miggs Cuaderno, Valentino Jaafar, Isaiah dela Cruz, Beaver Magtalas, at Renshi de Guzman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending