Andi posibleng bumalik sa showbiz; may inamin tungkol kay Jaclyn

Andi posible pa ring bumalik sa showbiz; may inamin tungkol kay Jaclyn

Ervin Santiago - June 10, 2024 - 11:13 AM

Andi posible pa ring bumalik sa showbiz; may inamin tungkol kay Jaclyn

Jaclyn Jose at Andi Eigenmann kasama ang tatlong anak

HINDI napigilan ni Andi Eigenmann ang mapaluha nang muling mapag-usapan ang kanyang yumaong ina na si Jaclyn Jose.

Inamin ng aktres at content creator na totoong malalim ang hugot ng pumanaw na premyadong aktres nang magdesisyon siyang iwan ang showbiz at tuluyan na manirahan sa isla ng Siargao kasama ang pamilya.

Ayon kay Andi, matindi ang naramdamang kalungkutan ni Jaclyn nang lisanin niya ang Maynila at mas pinili ang simpleng buhay sa probinsya with her fiancé Philmar Alipayo.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann umaming naloloka rin sa pag-aalaga ng 3 anak: Sinasabi ko na lang, ‘Ginusto mo yan, eh!’

Base sa panayam ni Boy Abunda kay Andi sa TV special ng GMA 7 na “My Mother, My Story”, noong nabubuhay pa ang kanyang nanay ay palagi raw siya nitong kinukumbinsi na bumalik na sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“It took me a while to realize how heavy it must have been for her when I left the industry.

“One of her last few messages to me when she would send me messages and she would just miss me, magpaparamdam siya.

“She would always either sasabihin niya, ‘Oh, may offer ka’ or ‘Meron may gusto kumuha sa iyo sa isang pelikula’ or ‘ Sure ka ba? Baka naman puwede kang bumalik lang dito. Dalin mo ‘yung kids tapos mag-taping ka nang ganito,” ang chika pa ng celebrity month.

Patuloy pa niya, “But what I realized was that it was more for her, you know, because leaving the industry was not just about leaving showbiz, it was about leaving a big part of her life. I literally just left that.”

Ngunit sa kabila ng kanyang desisyon sinuportahan pa rin siya ni Jaclyn sa mga naging desisyon niya sa buhay.

Baka Bet Mo: Andi kay Jaclyn: Ganu’n kalaki yung puso niya…sobra, sobra, sobra!

“‘I understand where you are coming from,’ wow yeah! My mom must have missed me. My mom must have been sad, you know being with me away. But that’s the thing is that she didn’t make me feel it. She made me feel that it’s okay,” sey pa ni Andi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Nagpakatotoo naman si Andi sa pagsasabing may mga moments din na nagtatalo sila ng yumaong aktres pero knows naman niya na love na love nila ang isa’t isa.

“Kahit minsan, kahit kailan, walang moment na hindi kami proud sa isa’t isa, hindi kami fan sa isa’t isa,” aniya pa sa naturang panayam.

Pagpapatuloy pa ni Andi na hindi na napigilan ang maging emosyonal, “Napatunayan niya para sa akin masasabi ko na isa siyang evidence, siya at ako na ang pagmamahal puwede maging sapat.

“Kasi kahit hindi siya naging perpektong ina, sa buong buhay ko, lahat ng pagmamahal na binuhos niya sa akin, naging sapat para mapalaki ako or magpalaki siya ng tao na nasa isang magandang lugar sa buhay niya,” sabi ni Andi.

Tungkol naman sa pagbabalik niya sa showbiz, posible naman daw mangyari ito lalo na ngayong naiisip niyang ipagpatuloy ang iniwang legacy ng kaniyang ina sa entertainment industry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko sinasabing ayoko mag-artista ulit or umarte ulit, hindi na ako babalik. Naghahanap pa rin siguro ako ng tamang pagkakataon para doon,” pahayag ni Andi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending