Sue Prado ikinumpara kay Jaclyn Jose: Thank you, sobra!
SUPER touched at tuwang-tuwa ang aktres na si Sue Prado nang ikumpara siya sa yumaong movie icon na si Jaclyn Jose.
Isa si Sue sa malalapit na kaibigan ni Jaclyn sa mundo ng showbiz at naniniwala siya na napakalaking kawalan sa entertainment industry ang tulad ng Cannes Film Festival Best Actress.
“Unang-una, thank you du’n sa appreciation, nabanggit mo si tita Jane, si Jaclyn Jose,” ang pahayag ni Sue sa presscon ng kontrobersyal niyang pelikula na “Your Mother’s Son’s” last Friday, April 12.
Baka Bet Mo: Janus del Prado biktima ng scam; may warning sa madlang pipol
“Thank you sobra. She was a very good friend of mine, and you know what happened naman. She would have loved to see this, I’m sure.
“I’m glad to hear na nakita niyo siya kasi sobrang swerte ko to have come across a Jaclyn Jose in my lifetime. And the level of relationship that I had with her, ‘yung kaya namin pag-usapan ‘yung craft,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa niya, “Kaya siguro ayun eh, pareho kaming believer na bago ang lahat, pagsilbihan mo ang materyal, pagsilbihan mo ang character.
View this post on Instagram
“Dapat klaro ang subtext sa ’yo kasi ang katawan mo ang boses mo, ang verbal cues mo. Lahat susunod ‘yun eh, kung klaro ‘yung subtext mo. So Tita Jane, it worked,” lahad pa ni Sue.
Baka Bet Mo: Gerald basag kay Janus: Pinag-away-away mo kami para pagtakpan ang kalokohan mo sa set…beke nemen!
Napanood na namin ang “Your Mother’s Son” na idinirek ni Jun Robles Lana, na nagkaroon ng world premiere sa Toronto International Film Festival noong 2023, bukod pa sa European premiere nito sa Tallinn Black Nights Film Festival 2023 at Asian premiere sa Taipei Golden Horse Film Festival 2023.
In fairness, napakaganda ng pagkakabuo ni Direk Jun sa pelikula na unang binigyan ng X-rating ng MTRCB (dahil sa mga nakakalokang sex scenes) na naging Rated R-18, sa sumunod na review.
Kasama ni Sue sa movie sina Kokoy de Santos, Miggy Jimenez at Elora Espano.
Ito rin ang naging opening film sa The IdeaFirst Film Festival: EnlighTen, ang pasabog nina Direk Jun at Direk Perci Intalan para sa 10th anniversary ng kanilang movie production company.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.