Gerald basag kay Janus: Pinag-away-away mo kami para pagtakpan ang kalokohan mo sa set...beke nemen! | Bandera

Gerald basag kay Janus: Pinag-away-away mo kami para pagtakpan ang kalokohan mo sa set…beke nemen!

Ervin Santiago |August 24,2021
facebook
share this

Gerald basag kay Janus: Pinag-away-away mo kami para pagtakpan ang kalokohan mo sa set…beke nemen!

Ervin Santiago - August 24, 2021 - 12:54 PM

Gerald Anderson, Julia Barretto, Bea Alonzo at Janus del Prado

MUKHANG hinahamon talaga ng character actor na si Janus del Prado si Gerald Anderson nang magpatutsada muli sa pamamagitan ng social media.

Wala mang binanggit na pangalan, very obvious naman na si Gerald ang tinutukoy ng aktor sa bago niyang Instagram post patungkol sa usapin ng pagpapatawad.

Nag-ugat ito sa pag-sorry ni Gerald matapos humingi ng sorry sa ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo na kilala namang malapit na kaibigan ni Janus. Very open si Janus sa pagtatanggol kay Bea lalo na noong kasagsagan  ng break-up nila ni Gerald.

Matapang niyang binasag ang hunk actor nang aminin na ni Bea ang ginawa nitong panggo-ghosting sa aktres.

Kamakailan, sinabi ni Gerald na umaasa pa rin siyang darating ang panahon na mapapatawad siya ni Bea sa mga kasalanang nagawa niya noon.

“I really pray, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Naghu-hope lang ako,” ang mensahe ni Gerald sa online show na “Init Conversations”.

Hindi pa nagre-react si Bea sa pahayag ni Gerald pero marami na ang bumasag sa boyfriend ni Julia Barretto at isa na nga riyan si Janus.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Janus na baka raw may bagong project kaya napilitan na itong humingi ng paumanhin kay “B” na ang tinutukoy nga ay si Bea.

Aniya, “May bagong show ata kaya nagso-sorry kay B. Sa amin nila Direk at OMC team di ka magsososrry at pinag away away mo kami para lang pagtakpan yung kalokohan mo sa set? Bekenemen.”

Sabi pa niya sa caption, “Now you know. Magkaiba ang sawsawero sa idinamay. Oh well. (person shrugging emoji) #sorrynotsorry (face with tears of joy emoji).”

Base sa reaksyon ng mga netizens, posibleng ang tinutukoy ni Janus na “Direk” ay si Cathy Garcia Molina na siyang direktor nila sa pelikulang “One More Chance” na siya namang binabanggit niyang “OMC team.”

Nagkasama rin noon sina Janus at Gerald sa pelikulang “My Perfect You” with Pia Wurtzbach na idinirek din ni Cathy Molina na ipinalabas taong 2018.

May mga tsismis noon na nagkaroon ng “something” sina Gerald at Pia habang ginagawa nila ang nasabing movie. Magdyowa pa noon sina Gerald at Bea.

Isa pang cryptic post ang ibinahagi ni Janus sa madlang pipol na may kinalaman sa pagpapatawad, “Never allow anyone back in your life that has tried to destroy you in the past, even if they say they’ve changed.

“Remember, a snake only sheds it’s skin just to become a larger snake.”

Sey naman niya sa caption ng photo quote, “Napapanahon. (grinning face with squinting eyes emoji) #sorrynotsorry (face with tears of joy emoji).”

Meron din siyang ipinost na, “A real man will apologize for his mistakes and accept his shortcomings to try to become a better version of himself. A coward will lie, manipulate, redirect blame and play the victim role just to save face.”

Naging national issue ang paghihiwalay nina Gerald at Bea kung saan ang napagbintangang third party ay si Julia Barretto. Itinanggi ng dalawa noong una ang mga tsismis ngunit makalipas ang ilang buwan, umamin din sina Gerald at Bea sa kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, mukhang maligaya na rin si Bea sa piling ng bago niyang boyfriend na si Dominic Roque.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending