PINASOK ng modus ang Instagram accounts ng mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris!
Ibinalita ito mismo ng basketball player sa social media at sinabing ginamit ang kanilang IG upang mang-scam o manghingi ng pera sa iba.
“Hello, fam and friends. If you receive any weird or suspicious messages from my IG and my wife Danica’s IG account, please disregard and do not reply,” babala ni Marc.
Anunsyo pa niya, “Do not click any link sent from messages.”
Baka Bet Mo: Danica sa mga nagpapakalat ng fake news: OMG! Ang sinungaling talaga!
“Someone is using our accounts, messaging people and also asking for GCash. Please be vigilant,” kwento ng mister ni Danica.
Aniya pa, “Call us if you have to para lang ma-verify.”
As of this writing, hindi pa alam kung na-recover na ng couple ang kanilang accounts dahil wala rin namang nabanggit si Marc sa kanyang post.
Magugunita noong Marso nang masangot sa kontrobersiya ang couple matapos kumalat ang isyung panloloko nang basketball player at ma-link sa aktres na si Kim Rodriguez.
Pero agad naman itong pinabulaanan ni Marc at nilinaw na “fake news” ang kumalat na balita.
“Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez. Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao,” sey ni Marc sa isang pahayag.
Giit pa niya, “Wag na po tayong magpakalat ng mga balita na hindi totoo. Humihingi po kami ng respeto at para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless.”
Samantala, recently lamang, si Danica ay sumailalim sa isang medical operation kung saan tinanggalan siya ng gallbladder.
Taong 2007 nang ikinasal ang aktres at basketball player.
Biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Jean Michael, Caela at Jean-Luc.