BIDA sa official Instagram page ng Harvard Business School ang wais na misis na si Neri Naig!
Ito ay para ibandera niya ang kanyang mga karanasan pagdating sa pagnenegosyo.
Sa isang IG Reel, mapapanood si Neri na nakasuot ng Harvard sweater at proud na nagpakilala bilang isang negosyante dito sa Pilipinas na nagtapos ng business course sa nasabing eskwelahan.
“I took Entrepreneurship Essentials in Harvard because I wanted to become more confident as an entrepreneur,” sey niya.
Patuloy ni Neri, “I wanted to make sure that what I’m doing is right, and that I’m on the right track. And since it’s online, I was able to make it work with my busy schedule.”
Baka Bet Mo: Hamon ni Neri Miranda: Keri n’yo bang walang socmed sa loob ng 1 week?
Caption naman sa post, “We’re excited for @mrsnerimiranda to take over our Instagram Stories! Tune in all day for her takes on entrepreneurship and how her online course gave her the confidence and knowledge to succeed.”
Sa comment section, marami ang humanga at may iilan ang nagsasabing naging inspirasyon nila si Neri sa kanilang pagnenegosyo.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“My Idol! That’s why I have my own businesses as well coz i’m inspired by the wais na misis [heart hands emoji]”
“Love it! You are an inspiration [red heart emoji]”
“Not just an entrepreneur, but a very successful & inspiring entrepreneur [Philippine flag emoji]. Way to go, @mrsnerimiranda [red heart, fire emojis]”
Kahit ang mister ni Neri na si Chito Miranda, halos ipagsigawan sa hiwalay na IG post ang kanyang pagka-proud.
Aminado si Chito na bilib na bilib siya sa kanyang misis pagdating sa pag-aaral at self-improvement.
“She acknowledges the fact na marami pa siyang pwedeng matutunan, at willing siyang pag-aralan, pagdaanan, at paghirapan ang lahat ng ito,” sey ni Chito, kalakip ang screenshot ni Neri sa post ng Harvard.
Baka Bet Mo: Neri nag-flex ng na-harvest na gulay, calamansi ginagamit pampaganda
Kwento pa niya, “From simple things like reading books and articles na may kinalaman sa entrepreneurship, pag-attend ng mga seminars na feeling niyang makakatulong sa mga negosyo niya, hanggang sa pag-take ng masteral right after graduating from college, and just recently, completing the online course sa Harvard School of Business.”
“Ginawa niya lahat ito, alongside being a mom, and while handling all her other businesses [emojis],” wika pa ng bokalista ng Parokya ni Edgar.
Ayon pa sa kanya, deserve lang na ipagmalaki niya si Neri at sana raw ay maunawaan ng marami kung bakit proud na proud siya at nais i-flex ang asawa.
Matatandaang noong 2022, nagtapos si Neri sa University of Baguio matapos kuhain ang kursong School of Business Administration & Accountancy sa ilalim ng alternative education program na Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation.
Taong 2020 naman nang matapos niya ang online program na handog ng Harvard Business school.
Bukod sa pag-aaral at pagiging ina, pinagkakaabalahan din ng aktres ang kanyang mga negosyo, kabilang na ang gourmet tuyo, restaurants, beauty salon, cottage for rent, at marami pang iba.