Nikko naawa kina Axel at Christine, FB post patama ba kay Vice Ganda?

Nikko naawa kina Axel at Christine, FB post patama ba kay Vice Ganda?

Vice Ganda at Nikko Natividad

TRENDING ang pangalan ngayon ng actor-dancer na si Nikko Natividad dahil sa pagkokomento niya sa  kontrobersya ngayon sa programang “It’s Showtime“.

Ang feeling ng mga netizens, si Vice Ganda ang pinatatamaan ni Nikko sa magkasunod niyang post sa Facebook na ngayon ay burado na.

Wala namang binanggit ang komedyante sa kanyang mga post pero tukoy na tukoy daw na ang dating kasamahan niya sa “It’s Showtime” na si Vice ang tila pinariringgan niya.

Baka Bet Mo: Axel Cruz hugot na hugot sa isyu ng ‘EXpecially For You’: Tatagan mo pa!

Ito nga yung isang episode ng “EXpecially For You” na naging kontrobersyal dahil sa umano’y tangkang pagnanakaw ng halik ng male contestant na si Axel Cruz sa babaeng searcher na si Christine.


Ayon kay Nikko naawa raw siya du’n sa “dalawang contestants” sa TV na umano’y na-trauma matapos ang lumabas sa isang programa para makakuha ng exposure.

“Ipagpalagay na natin na bebeso talaga yung lalaki. Hindi naman nya intensyon manyakin sa live yung babae.

“Ang mali lang nya ay hindi nya alam na need pala muna magpaalam bago bumeso,” ang nakasaad sa FB status ni Nikko.

“Na-offend man sya alam ko na mapapatawad nya yung lalaki. Sobra lang kasi napahiya yung lalaki na sasabihan pa na tatadyakan at pwede kasuhan.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad ‘tinanggihan’ si Jake Ejercito: May asawa at anak na ako

“(Again sakin lang po ito ha ) ALAM KO KASI PAKIRAMDAM NG PINAPAHIYA SA TV AT NAPOPOWERTRIP BASE SA EXPERIENCE KO,” pahayag pa ni Nikko.

Sa isa pa niyang post, sinabi ni Nikko na, “Naaawa ako sa dalawang contestant. Gusto lang nila ma-experience at ng exposure pero sobrang trauma ‘yung nakuha nila.

Sinundan pa ito ng, “Lalagyan lang nya ng charot sa dulo lulusot na yan.”


Hindi na nga makikita sa socmed accounts ni Nikko ang mga nasabing post pero marami na ang nakapag-screenshot nito hanggang sa mag-viral na nga.

Ni-repost din ito ni “Miss Q&A Season 1” grand winner Juliana Pariscova Segovia sa kanyang Facebook page.

Matatandaang binawi ni Vice Ganda ang sinabi niyang handa siyang mag-sorry kay Axel matapos klaruhin ng searcher na wala siyang intensyong nakawan ng halik si Christine.

Ayon kay Vice, “Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did.

“Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right,” ani Vice nang malamang inamin ni Christine sa production ng “It’s Showtime” na hindi siya naging komportable sa ginawa ni Axel.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Vice sa mga naging pahayag ni Nikko.

Read more...