Karla Estrada inokray sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ video

Karla Estrada inokray sa 'Piliin Mo Ang Pilipinas' video

INULAN ng pambabatikos ang TV host-actress na si Karla Estrada matapos nitong ilabas ang kanyang pahabol entry sa “Piliin Mo Ang Pilipinas” trend.

Ibinahagi niya ang naturang entry kamakailan lang sa kanyang TikTok account na siyang umani agad ng reaksyon mula sa netizens.

Maririig kasi sa naging entry ni Karla na tila doble ant pagkakalapat ng kanta ni Angeline Quinto sa video kaya medyo hindi ito magandang pakinggan.

Isang netizen ang nag-post sa X (dating Twitter) ang nag-repost ng video ng entry ng ina ni Daniel Padilla na binigyang komento ng maraming netizens.

Baka Bet Mo: Karla Estrada 2 years na binebenta ang bahay sa QC: ‘Namimili kasi ako’

“whoever edited karla estrada’s video hates her soooo much,” sabi nito sa caption.

Sa comment section ay makikita ang mga comments ng iba pang mga netizens.

“Hindi po natuwa ang may likha,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “At pinost pa talaga ni karla. Sana sila sila nalng nanuod magpapamilya. Hahaha.”

“end call ko na baks, may nag ssecond voice sa audio,” sey naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “Anu yun? Parang AI na ewan, na parang ginagaya si Inday Sararat. Ewan ko sayo Karla, ang cheap ng sayo dzai.”

Matatandaang marami na ring mga celebrities at kilalang personalities ang nauna nang maglabas ng entry sa “Piliin Mo Ang Pilipinas” gaya nina Vice Ganda, Riva Quenery, Whamos Cruz, at marami pang iba.

Read more...