Mark Leviste napa-'sana all' kina Gov. Dodo at Atty. Angelica

Mark Leviste napa-‘sana all’ sa love story nina Gov. Dodo at Atty. Angelica

Ervin Santiago - June 06, 2024 - 10:04 AM

Mark Leviste napa-'sana all' sa love story nina Gov. Dodo at Atty. Angelica

IN FAIRNESS, hanggang ngayon ay talagang usap-usapan pa rin ang pagpapakasal ni Batangas Governor Dodo Mandanas kay Atty. Angelica Chua.

Nakabalik na sa Pilipinas ang viral 80-years old governor matapos ang kanyang Italian honeymoon kasama ang 32-anyos na batang-batang wifey.

Ayon sa bagong kasal na public servant, limang buwan pa lamang tumatagal ang kanilang relasyon ni Atty. Angelica ay nagdesisyon na silang magpakasal, “You are never too old for marriage or politics.”

Marami naman ang napa-sana all na lang sa love story nina Gov. Dodo at Atty. Angelica dahil feeling nila true love talaga ang namamagitan sa dalawa.

Isa na nga riyan ang rumored boyfriend ni Kris Aquino na si Vice-Governor Mark Leviste na napapabalitang magiging gobernador na ng Batangas.

Baka Bet Mo: Mark Leviste ginampanan ang ‘Tito duties’ kay Kuya Josh, netizens natuwa sa bonding moment ng dalawa

Matunog kasi ngayon ang chika na isa si Gov. Dodo na kino-consider bilang bagong Executive Secretary ng Marcos Administration kapalit ni ES Lucas Bersamin.

Bali-balitang magaganap ang rigodon ngayong Hunyo kahit todo denay ang governor sa naturang isyu.

At dito na nga raw papasok sa eksena ang vice governor ng Batangas na si Mark Leviste dahil siya na ang next-in-line sa posisyon.

Usap-usapan nga ang pagkikita ng dalawa kamakailan base na rin sa latest post ni Vice-Gov  Leviste sa Instagram kung saan makikitang pakikipagkamay siya kay Gov. Dodo Mandanas na may caption na, “Sealed with a handshake.”

Mukhang may nabuo nang kasunduan sa pagitan ng dalawang public official para sa darating na 2025 elections.

Ang tanong nga lang, kung matutuloy ang pagtakbo ni Vice-Governor Leviste bilang susunod na gobernador ng Batangas, paano na sila ni Kris Aquino?

Magkaroon pa kaya siya ng panahon sa tuwing kakailanganin siya ni Kris sa tabi nito na kasalukuyan pa ring nagpapagamot sa Amerika para sa kanyang mga autoimmune disease?

In fairness naman kasi kay VG Mark talagang nagagawan niya ng paraan na makapaglaan ng oras para mabisita at maalagaan si Kris sa Amerika.

Siguro naman napag-usapan na nila ang tungkol dito bago pa magdesisyon ang bise gobernador na tanggapin ang hamon na maging susunod na governor ng Batangas.

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, pinusuna naman ng mga netizens at fans ni Kris ang birthday message ni Mark para sa panganay ni Kris na si Josh.

“Happy Birthday, Kuya Josh! You light up our lives every day. Love, love, love,” ang caption ng vice governor sa kanyang Instagram post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending