Jeraldine Blackman na-hurt nang tawaging 'bastos' ng fans

Jeraldine Blackman nasaktan nang tawaging ‘bastos’ habang nasa mall

Ervin Santiago - June 05, 2024 - 08:36 AM

Jeraldine Blackman nasaktan nang tawaging 'bastos' habang nasa mall

Jeraldine Blackman, Joshua Blackman, Nimo at Jette Blackman

NA-HURT ang sikat na content creator na si Jeraldine Blackman nang sabihang “bastos” ng ilang taong nasa isang shopping mall kasama ang anak.

Naibahagi ni Jeraldine na nakilala sa YouTube vlog ng kanilang pamilya na “The Blackman Family” na may mga netizens na namba-bash sa kanyang pamilya kahit wala naman silang ginagawang masama.

Sa mga hindi pa masyadong nakakaalam, si Jeraldine ay ang Pinay na asawa ni Joshua Blackman at nanay nina Nimo at Jette.

Baka Bet Mo: Aljur pinasok ang online selling; Vice may banat sa mga ‘bastos’

Ayon kay Jeraldine, na kamakailan lamang ay ni-launch bilang bagong brand ambassador ng Beautéderm Corporation, nababahala siya para sa kanyang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by The Blackman Family (@theblackmanfamilyofficial)


“Nag-worry lang ako sa mga bashers ba, hindi mo naman maiiwasan ‘yun ‘di ba? Wherever you go, bakit daw si Jette, why do we keep on posting her online?” ang pahayag ni Jeraldine sa panayam ni Karen Davila para sa kanyang YouTube channel.

Sey ni Jeraldine, gusto rin daw ng kanyang bunsong anak na si Jette ang paggawa ng mga video at hindi niya kailanman ito pinilit.

“Si Jette kasi I have to film her everyday, nagre-request ‘yan. Sa Australia, pagkagising niya, ‘mama, can we take a video?’ Makikita mo ‘yung iPad niya puno ng vlogs niya talaga,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Angelica na-hurt nang bansagang ‘Hugot Queen’ pero super enjoy sa pagbibigay ng love advice para sa mga sawi

Ang panganay niyang si Nimo ay minsan lang daw pumapayag sumama sa ginagawa nilang content.

Sabi ni Jaraldine, “Nimo slowed down. Personally, ayaw niya talaga. I respect it, we respect if he doesn’t want it. He only comes in our videos kapag gusto niya.

“Ayaw niya ‘yung fame na nakukuha niya sa school, ayaw niya ‘yung siya ‘yung center of attraction sa school sa mga teachers, sa mga students,” sey pa niya.

Sey pa ni Jeraldine, iba raw talaga ang pagtanggap sa kanila ng mga Filipino at ng mga Australian bilang mga social media stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


“‘Yun ang pinaka-worry namin na kapag nandito na kami. Iba ‘yung tanggap sa amin dito sa Philippines, iba rin ‘yung sa Australia.

“Hindi na kami masyado na lumalabas lalo na kapag nasa airport kami. Kasi kami lang, tapos lahat sila pumupunta. Natatakot siya (Jette) minsan, kaya I still bring my family along with me,” lahad niya.

Patuloy pang pahayag ni Jeraldine, “Two days ago we went to a shop here. Tapos, nag-disguise kami kasi pagod na pagod na kami. Tapos nakilala pa rin kami kahit naka-disguise na kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi sa amin, ayaw siguro nila magpakilala, bastos pala sila, e. Nakaka-hurt kasi first time ko narinig ‘yun personally, na ganoon ‘yung nangyari,” sabi pa ni Jeraldine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending