Heart nag-panic bilang lider ng Senate Spouses Foundation

Heart nag-panic bilang lider ng Senate Spouses Foundation, Chiz may payo

Ervin Santiago - June 04, 2024 - 12:45 AM

Heart nag-panic bilang lider ng Senate Spouses Foundation, Chiz may payo

Heart Evangelista, Mariel Rodriguez at iba pang miyembro ng Senate Spouses Foundation

NANGAKO ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya bilang leader ng Senate Spouses Foundation, Inc..

Automatic kasi ang pagkakatalaga sa kanya sa nasabing posisyon matapos hiranging Senate President ang kanyang asawang si Chiz Escudero. Bahagi na ito ng tradisyon sa Philippine Senate.

Baka Bet Mo: Lucy Torres tatakbong senador sa 2022: Only God knows, only time will tell…

Nitong nagdaang May 31 nga naganap ang unang “session” ng Senate Spouses Foundation, Inc., base na rin sa ipinangako ni Heart sa mga kasamahan niyang mga misis ng senador sa bansa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso star ng Reel kung saan mapapanood ang first meeting ng samahan ng mga asawa ng mga senador.

Sey ni Heart, super excited na siyang gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng Senate Spouses Foundation, Inc..

Sey ni Heart sa caption ng kanyang IG post, “Our very first meeting and as they say, coming together is just the beginning. (heart emoji) Excited to get down to work!

“Thank you for the warm welcome fellow senate spouses. (heart emoji) Ready to honor the challenge of working together and find ways to make our communities better and stronger. (heart emoji) @senatespousesph,” mensahe ng aktres at international fashion icon.

Nagkomento sa post ni Heart ang asawa ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez na present din sa kanilang meeting. Sey ng TV host, “All out support (saluting face emoji) you got this (heart emoji).”

Baka Bet Mo: Chiz Escudero inulan ng tukso sa Senate session, nag-iba raw ang aura dahil kay Heart: ‘We believe in second chances’

Sagot naman sa kanya ni Heart, “Salamat Madame (heart emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Nauna rito, nagkuwento rin si Sen. Chiz tungkol sa pagiging leader ng kanyang asawa sa samahan ng mga misis ng senador sa bansa at sinabi niyang nag-panic si Heart sa bago niyang “role.”

“Pinag-usapan na namin kagabi. Parang naiyak siya nang kaunti, nag-panic siya, parang hindi daw niya kaya,” sey ng bagong Senate President.

“Nagtatanong siya. Hindi daw niya alam, hindi daw niya kabisado. Sabi ko, ‘Ako rin naman, hindi ko alam, hindi ko rin kabisado.’

“Sabi niya, ‘E, ikaw ang tagal-tagal mo na diyan, mundo mo yan.’ Sabi ko, ‘E, senador, oo. Pero Senate President, hindi,” sabi pa ni Sen. Chiz.

Ang unang advice raw niya kay misis, “‘Huwag ka magpa-pressure, yung kaya lang, kung ano lang yung kaya.’ Sabi ko lang, ‘Simulan mo muna sa baba, paakyat, imbes na magsimula ka sa taas na pababa.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ibig sabihin, huwag yung ang dami-dami agad. Simulan mo muna sa kaunti na parami, kaysa sinimulan nang madami tapos kumonti,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending