Dina Bonnevie namatay nang 1 minuto, parang nasa hukuman

Dina namatay nang 1 minuto, parang nasa hukuman: Humahagulgol ako!

Ervin Santiago - June 03, 2024 - 07:54 AM

Dina namatay nang 1 minuto, parang nasa hukuman: Humahagulgol ako!

Dina Bonnevie, Jillian Ward at Danica Sotto

MAHIGIT isang minutong “namatay” ang seasoned actress na si Dina Bonnevie habang nire-revive sa isang ospital matapos mawalan ng malay.

Binalikan ni Dina ang kanyang “near death experience” o NDE kung saan sandaling humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawang-lupa at naglakbay sa hindi niya maipaliwanag na lugar.

Ayon sa isang health website, ang NDE ay isang kakaibang pangyayari na nararanasan ng taong nasa bingit ng kamatayan – “typically an out-of-body experience or a vision of a tunnel of light.”

Baka Bet Mo: Alex bugbog uli sa fans matapos mabuking na nagalit kay Nadine dahil mas nauuna pang umiyak sa kanya sa eksena

Sa latest vlog ng kapwa niya veteran star na si Amy Austria, ikinuwento ni Ms. D ang naging eksena sa buhay niya nang maging “clinically dead” habang naka-confine sa ospital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)


Nangyari raw ito noong 23 years old pa lamang siya. Ito rin yung panahong humaharap siya sa mga pagsubok – sa trabaho, sa kalusugan at marriage.

“Actually, na-clinically dead ako for a minute and 10 seconds. Siguro overfatigue kasi that time ang dami-dami kong ginagawang pelikula, sabay-sabay. And then nagda-dubbing ako, and I was promoting yung movie ko,” pahayag ni Dina.

Nag-perform daw siya kasama si Alma Moreno sa programa nitong “Lovely Ness” para mag-promote, ,“E, allergic ako doon sa smoke machine. Nili-lift kami ni Ness, may dance number kami.”

Baka Bet Mo: Dina Bonnevie pinaluluhod ng tatay sa munggo para parusahan, pinahabol pa sa aso ang dating boyfriend

“Right after, parang kulang na lang bumagsak ako. Tumakbo na ako sa kotse. Pagdating sa bahay, ang nakita ko si Danica. Ang una ko lang nasabi was, ‘Danica, call Ninang Doctor,’” aniya.

Nang nasa banyo na siya para maglinis ng mukha, bigla na lang siyang bumagsak, “Long story short, tinakbo ako sa ospital. Going to the hospital pa lang wala na akong makita.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chuckie Dreyfus (@chuckiedreyfus)


“Blinded na yung vision ko kasi hirap na hirap na akong huminga. Super asphyxiated na ako. Parang nagba-violet na ako dahil I couldn’t breathe.

“Pagdating sa hospital, doon na yung narinig ko na sinabi na, ‘Put her on two liters of oxygen.’ ‘Doc, no response.’

Sabi raw ng doktor, “Put her on four liters.” Sagot ng nurse: “Doc, no response.”

Medyo nagtatalo na raw ang mga staff sa ospital nang sabihin ng doktor na, “Put her on six liters.” Sagot daw ng isang naroon, “You know that her lungs could explode.”

Ipinag-utos din daw ng doktor na saksakan siya ng aminophylline sa parehong lungs para ma-relax ang muscles sa kanyang lungs at dumaloy ang hangin dito.

Ngunit makalipas ang ilang sandali, wala nang naririnig si Dina, “Sabi ko, ‘Anong nangyari? Bakit biglang tumahimik… na parang where’s everybody? Okay na ba ‘ko?”

Bigla raw siyang tumayo at nakita ang kapatid na nakatingin sa electrocardiogram (ECG/EKG) monitor. Niyaya na raw niya itong umuwi dahil pagod na pagod na siya pero hindi siya pinansin ng kapatid.

“Hindi ako pinapansin. Sabi ko, ‘Tingnan mo itong bastos na ito.’ Sabi ko, ‘Kinakausap kita, how come hindi mo ako kinakausap?’” ani Dina sabay tapik sa kapatid, pero lumusot lang daw ang kanyang kamay.

Narinig na lang niya ang kapatid na umiiyak at pagtingin niya sa ECG/EKG monitor ay flatline na siya.

“And then I looked at the bed where I was. Nakita ko na parang may silver na cord na nakadikit doon sa pusod ko. Then para akong pumasok sa mahabang-mahabang roller coaster ride na napakadilim.

“Parang from the long tunnel, lumabas ako. ‘Tapos biglang hindi ko lang talaga totally ma-describe. Hindi totoo yung mga harp-harp music na yan. Hindi yan yung narinig ko.

“It’s just talagang pure peacefulness, calmness. Yun talagang parang totally na-uplift ako, na parang, wow, ang sarap ng feeling na ito. Parang ganoon yung feeling,” aniya.

Hindi raw niya alam kung nasaan siya, “Biglang may malakas na malakas na ilaw na pumunta sa akin. Sabi ko, ‘Ano iyon? I can’t see.’

“Parang walang voice. Parang kinakausap ka through the mind, parang telepathic, na, ‘Are you ready to come with me, my child?’ Yes, yes, yes. I wanna go with you,” sagot daw niya.

“’Tapos hagulgol na ako nang hagulgol, not because of fear, but because of so much love, na parang ang sarap ng feeling na ito.

“Parang mas masarap pa sa hug ng anak, sa hug ng ama, ng ina…naiyak ako sa sobrang sarap ng feeling… na mahal na mahal ako nito kung anumang light na ito,” aniya pa.

Handa na raw siyang sumama sa liwanag pero, “Sabi ko, ‘Wait, I remembered something.’ Sabi ko naiwan ko yung daughter ko.”

Kasunod nito, isang malaking screen ang nakita ni Dina kung saan nag-flashback ang ilang eksena sa buhay niya, kabilang na ang paghihiwalay nila ni Vic Sotto, ang away nila ng nanay at ang pagkamatay ng kanyang classmate.

Feeling daw ni Dina ay nasa “hukuman” siya, “And then sabi ko, ‘Just give me a chance. I just want to talk to my daughter just for a while,’ kasi parang umaandar na kami. Kung saan pupunta, hindi ko alam.

“And then I heard a sound na, ‘Ma!’” kung saan nakita ni Dina sa dulo ng tunnel si Danica at inaabot ang kamay nito sa kanya.

“The minute na hinawakan ko yung kamay niya, nagising na ako sa ospital. Dinidi-fibrillator na nila ako. Yung sina-shock para gumising,” aniya.

Nang magkamalay, hinanap daw niya agad si Danica pero sabi ng kanyang kapatid ay nasa bahay lamang anak, “I didn’t tell anyone kasi baka sabihin nila, ‘Sira-ulo to, ah.’”

Ikinuwento ni Dina sa kapatid ang naranasang NDE pero hindi siya pinaniwalaan kaya sabi niya sa sarili, “Sabi ko na nga ba, e. People won’t be ready to understand kung ano iyon.”

Mas kinilabutan pa raw si Dina nang makita sa bookstore ang librong “Embraced by the Light” dahil parehong-pareho ng kuwentong nasa libro ang na-experience niya

Hinanap din daw niya ang religion na para sa kanya, sinubukan niyang aralin ang Buddhism, Taoism, Hinduism, Quran, at New Age hanggang sa maging isa na siyang Christian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lahat tayo meron tayong purpose kung bakit tayo nabubuhay sa mundo, pero kailangan nating i-fulfill yung purpose na iyon, kailangan nating gawin,” ang sabi pa ni Dina Bonnevie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending