Chris Pratt magbibigay aliw, katatawanan bilang ‘Garfield’, showing na
TIYAK na kakaaliwan ang bagong palabas ng world-famous at favorite lazy orange cat na si Garfield!
Perfect for family bonding ang animated comedy film na “The Garfield Movie” na ipinapalabas na sa mga lokal na sinehan.
Bukod sa punong-puno ng adventure ang pelikula, babalik sa nakaraan ang iconic character matapos matagpuan ang kanyang long-lost father na si Vic.
Isinalaysay din sa animated film kung paano nagkasama at nagkakilala ang indoor cat at ang kanyang fur parent na si Jon, pati ang kanyang dog friend na si Odie.
“After an unexpected reunion with his long-lost father – scruffy street cat Vic– Garfield and his canine friend Odie are forced from their perfectly pampered life into joining Vic in a hilarious, high-stakes heist,” kwento sa synopsis ng Columbia Pictures.
Baka Bet Mo: Will Smith, Martin Lawrence muling bibida sa bagong ‘Bad Boys’ movie
Ang magbibigay buhay bilang si Garfield ay ang “Guardian of the Galaxy” star na si Chris Pratt.
“Chris has great attitude in his voice and incredible timing,” sey ng Garfield creator na si Jim Davis sa isang pahayag.
Pagpupuri pa niya, “I rate him a ten for funny. And one of the things he does is really bring the Garfield edge and attitude to the character, and so he really understood the character and absolutely nailed him. He’s great to listen to. You can sit back immediately and go, ‘Yeah, that’s Garfield’.”
Samantala, ang boboses naman bilang si “Jon” ay ang English actor na si Nicholas Hoult, si “Odie” ay si Harvey Guillen, at si “Vic” ay ang sikat na American veteran actor na si Samuel Jackson.
Kung matatandaan, taong 2006 nang unang ipinalabas ang animated film ni Garfield na binosesan ni Bill Murray.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.