Iconic films na ‘Ghostbusters,’ ‘Garfield’ magbabalik sa big screen
DALAWANG iconic films ang nakatakdang bumalik sa big screen!
Magkakaroon ng bagong releases ang iconic films na “Ghostbusters” at “Garfield” very soon.
Bibida ulit ang Hollywood stars na sina Paul Rudd, McKenna Grace, Finn Wolfhard, at Carrie Coon sa “Ghostbusters: Frozen Empire.”
Para sa kaalaman ng marami, ito ang magiging sequel para sa 2021 hit na “Ghostbusters: Afterlife” na ipinalabas noong 2021.
Baka Bet Mo: Makihataw, makikanta, makitawa sa bagong ‘Trolls’ movie, showing na sa mga sinehan
Mapapanood sa bagong pelikula na magsasanib-pwersa ang veteran Ghostbusters kasama ang new recruits upang iligtas ang New York City mula sa isang nakakatakot na kalaban.
Base sa trailer, ang kontrabida ay may kapangyarihan ng yelo.
At bilang nabanggit nga namin ang veteran Ghostbusters, ang ibig sabihin niyan ay tampok din sina Bill Murray, Dan Aykroyd at Ernie Hudson na gumanap sa original films ng nasabing franchise.
Siyempre, hindi natin malilimutan ang bagong palabas ng world-famous at favorite lazy orange cat na si Garfield!
Inaabangan na ang animated comedy film na “The Garfield Movie” starring and voiced by Chris Pratt.
Ayon sa pasilip, iikot ang pelikula sa outdoor adventure ng sikat na indoor cat kung saan matatagpuan pa niya ang kanyang long-lost father.
“After an unexpected reunion with his long-lost father – scruffy street cat Vic (voiced by Samuel L. Jackson) – Garfield and his canine friend Odie are forced from their perfectly pampered life into joining Vic in a hilarious, high-stakes heist,” kwento sa inilabas na pahayag ng Columbia Pictures.
Kung matatandaan, taong 2006 nang unang ipinalabas ang animated film ni Garfield na binosesan ni Bill Murray.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.