Danica grateful sa pamilya after maoperahan: ‘Extra effort sila’

Danica grateful sa pamilya after maoperahan: ‘Extra effort sila’

Pauline del Rosario - May 30, 2024 - 03:26 PM

Danica grateful sa pamilya after maoperahan: ‘Extra effort sila’

PHOTO: Instagram/@mikebawa

NAG-UPDATE muli ang celebrity mom na si Danica Sotto matapos maoperahan sa gallbladder o apdo kamakailan lang.

Sa latest Instagram post, tiniyak ni Danica na mas bumubuti na ang kanyang kalagayan.

“Feeling much better a week after cholecystectomy (gallbladder removal surgery). They had to remove my [gallbladder] due to chronic pain and gallstones,” caption niya sa IG, kalakip ang ilang litrato na ipinapakita ang mga pinagkaabalahan niya habang nagre-recover.

Dagdag pa niya, “If you have experienced gallbladder pain you know what I’m talking about. Sakit talaga siya diba?!!”

Kasunod niyan, proud niyang ibinandera ang kanyang pamilya at lubos na pinasalamatan dahil tila nagtulong-tulong sila sa bahay habang siya ay kailangang magpahinga.

Baka Bet Mo: Danica Sotto unbothered sa isyung panloloko ni Marc Pingris

“Grateful for my family and friends for all the prayers and to our angels here at home. Extra effort sila since I cannot carry our baby Luc yet [holding back tears emoji],” sey ng dating aktres.

Chika niya pa, “We also made it to Mic’s game last [Saturday]. Super happy we made it kahit medyo sore pa.”

Bandang huli, nag-iwan ng makabuluhang mensahe ang celebrity mom, “Life is full of surprises but we can choose to be joyful in the midst of life’s challenges [folded hands, red heart emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)

Sa comment section, maraming mommies din ang naka-relate sa pinagdaanan ni Danica at nagpaabot pa ng “well wishes” para sa mabilis niyang paggaling.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Yes Danica excruciating pain talaga..glad you’re ok now..I had mine removed also..recover well [folded hands emoji].”

“I too had removed my gallbladder, 1 month after giving birth of my 2nd child. After the surgery, there was 1 thing I couldn’t eat is cheese. Stay strong. You are not alone, I heard this is very common.” 

“Praying for your full recovery and complete healing [folded hands emoji].”

 “I had it removed also last year pero walang pain. Pinaalis na lang ni Dr to avoid any future complications. Fast healing for you sissy [folded hands emoji].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunita noong May 25 nang ibinalita ni Danica na sumailalim siya sa isang medical operation kung saan tinanggalan siya ng gallbladder.

 Ayon sa academic medical center na Mayo Clinic, ang most common type ng gallbladder surgery ay ang tinatawag na “laparoscopic cholecystectomy,” isang procedure na karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng isang maliit na video camera at ilang special tools na ipinapasok sa ilang maliliit na hiwa upang makita ang loob ng tiyan at upang matanggal ang gallbladder.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending