Divina Valencia imbyerna sa FAMAS: Napakalaking katar*ntaduhan
HINDI nagustuhan ni Divina Valencia ang ginawa ng kumite ng FAMAS Awards sa kanyang kasamahan sa industriya na si Eva Darren.
Para sa kanya, isang malaking “katar*ntaduhan” ang naging rason ng organisasyon sa pagpalit kay Eva Darren bilang presenter sa naturang parangal.
Sa kanyang Facebook post ay pinalagan ni Divina ang ginawang public apology ng FAMAS.
Base kasi sa inilabas na eksplenasyon ng organisasyon ay hindi raw nila makita sa venue ang beteranang aktres kata pinalitan nila ito ng young singer bilang presenter kasama si Tirso Cruz III.
“Hindi ko matatanggap ang Dahilang napakalaking katarantaduhan na hindi makita si Ms Eva Darren. Isa ciya sa mga naunang dumating,” saad ni Divina.
Baka Bet Mo: Divina Valencia sa FAMAS: Dapat ibalik lahat ng gastos ni Miss Eva Darren
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa ni Divina, “Kasama ang kanyang 4 na apo umasang makikita ang kanilang GrandMa na papanik sa stage na kasama c Mr Tirso Cruz. This excuse is so narrow. Its a big BS para lang makagawa ng dahilan.”
Inilarawan rin ni Divina na malapit sila sa stage at sinabing may mga pangalan sa bawar upan.
“Nakaupo kami sa table 10, halos kaharap namin ang stage magkatabi kami ni Ms. Eva Darren… Hindi ma-locate eh lahat ng mga artistang dumating my upuang nakapangalan ng bawat nakaupo,” giit pa niya.
Pinuna rin nito ang pagbibigay ng plaque sa mga taong hindi naman bahagi ng movie industry.
“Imagine FAMAS, kung sino-sinong mga hindi naman taga-movie industry eh mga tumatanggap ng kanya-kanyang plaque. Tinatawag sa stage na nakakasilaw ang glitters ng mga gown, wala namang kinalaman sa showbiz.
“Tapos pinahiya, sinaktan ang isang Eva Darren na talagang isang icon at tumanggap ng FAMAS na totoong FAMAS. Kahit 10x pa kayong mag-sorry, damage has been done,” sabi pa ni Divina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.