KINARIR nina JM de Guzman, Kaori Oinuma at Barbie Imperial ang pagpapaganda ng kanilang katawan hindi lamang para ibandera sa publiko kundi para na rin sa kanilang kalusugan.
Pinag-init kamakailan nina JM, Kaori, Barbie at iba pang Kapamilya artists nang isa-isa silang rumampa para sa “Star Magic Hot Summer 2024” na ginanap sa La Luz Beach Resort sa Laiya, Batangas.
Baka Bet Mo: Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo game na game sa kissing scene: ‘Kumportable na kami sa isa’t isa, kaya napa-yes na kami’
Ibinahagi ng tatlong nabanggit na Star Magic talents ang kanilang “fitspiring” journey patungo sa pinapangarap na body transformation.
Pahayag ni JM hindi biro ang pinagdaanan niyang training para maibalik ang kanyang fit and healthy body, “Well, mahirap pero marami namang learnings na nakuha sa journey ko dito sa transformation ko.”
Dugtong pa niya sa panayam ng ABS-CBN, “At first nahirapan ako kasi ang laki ko talaga nu’n, 184 pounds. Pero nag-training kami online, kahit nasa shoot ako, nag-training kami, kung ‘di naman ako maka-train, I make sure I box, tapos ‘yung diet din binabantayan ko.”
Ang payo niya sa lahat ng gustong magpapayat at magpaka-healthy, lahat ay posibleng mangyari basta’t gusto at may disiplina.
Baka Bet Mo: JM de Guzman hindi nahirapang manlinlang sa ‘Linlang’: ‘Grabe! Ang daming nagagalit at napipikon sa akin!’
Para naman sa “Pinoy Big Brother” alumna na si Kaori Oinuma, “At first, mahirap talaga siya kasi marami akong pinagsasabay – studies, being independent, ‘yung work.
“Pero when you really want it talaga, gagawa ka ng oras, for example, work out, and then ‘yung discipline talaga ‘yung pinakamahirap.
“Isa rin sa pinakamahirap was patience kasi hindi mo siya agad-agad makikita. So kung nag-i-start ka mag-work out you really need to have a lot of patience,” dugtong ng dalaga.
Sey naman kay Barbie, “Pansin niyo, payat ako ngayon. It’s because nag-cut talaga ako sa sugar intake ko. Like, no rice talaga. And it’s been going on for, I think, six months na.”
Ang sikreto raw niya sa pagiging confident woman, “Pagmamahal sa sarili and acceptance. And may hindi ka man gusto sa katawan mo, you always do something about it.
“Kasi kapag masaya ka sa sarili mo, parang you can give love to other people more. Mas kaya mong magmahal,” aniya pa.