Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo game na game sa kissing scene: 'Kumportable na kami sa isa't isa, kaya napa-yes na kami' | Bandera

Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo game na game sa kissing scene: ‘Kumportable na kami sa isa’t isa, kaya napa-yes na kami’

Ervin Santiago |September 19,2023
facebook
share this

Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo game na game sa kissing scene: ‘Kumportable na kami sa isa’t isa, kaya napa-yes na kami’

Ervin Santiago - September 19, 2023 - 07:28 AM

Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo game na game sa kissing scene: 'Kumportable na kami sa isa't isa, kaya napa-yes na kami'

Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo

WALANG naging issue o problema sa Kapamilya youngstars na sina Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo ang kauna-unahan nilang kissing scene.

Game na game na ginawa ng tambalang KaoMiah ang nasabing eksena sa pinakabagong iWant digital series na “Fractured” na pinagbibidahan din nina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Ayon kay Kaori, this is the first time na nakipaghalikan siya on screen kaya naman masasabing si Jeremiah ang “nagbinyag” sa kanyang mga labi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaori Oinuma (@kaori_oinuma)


Gumaganap na magdyowa sina Kaori at Jeremiah sa “Fractured” kaya naman pumayag na rin ang magka-loveteam na magkaroon ng halikan sa kanilang latest project.

“First time namin na on-screen. I mean, on-screen lang naman. Ito na ‘yung pinakauna kong kissing scene on-screen. Ito ‘yung unang beses kong ipapakita sa lahat,” a Kaori sa grand mediacon ng “Fractured.”

Sey naman ni Jeremiah, hindi naging mahirap sa kanya na pumayag sa nasabing eksena dahil matagal na niyang nakakatrabaho si Kaori. Sa katunayan, nagtambal na rin sila noon sa 2021 movie na “Love at First Stream.”

Super comfortable na raw sila sa isa’t isa kaya naman hindi na sila nag-inarte pa na gawin ang nasabing kissing scene na aniya’y mahalaga rin sa plot ng eight-episode series.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan, Jeremiah Lisbo pinagtatambal ng netizens, hiniritang gawin ang ‘Together’ BL series

“Marami kaming ginawang version para lang just in case may option para mag-connect sa plot ng story at magtugma sa characters naming tatlo.

“Parehas naman kaming tinanong bago ‘yung eksena. Wala e, komportable na kami sa isa’t isa. Nakapagtrabaho na kami before. Kaya napa-yes na kami,” sabi pa ni Jeremiah.

Samantala, isa pa sa inaabangan ng mga manonood sa “Fractured” ay ang mga confrontation scenes ni Kaori at ng magaling na kontrabida na si Daniela Stranner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mr. Jerry|Maya (@jeremiahlisbo)


Dating mag-BFF sa serye ang dalawa pero nasira ang kanilang friendship nang maging dyowa ng karakter ni Kaori ang ex-boyfriend ni Daniela na si Jeremiah.

Sabi ni Kaori, ibang-iba talaga ang role niya sa serye kumpara sa tunay na personalidad niya, “As a person talaga, ‘di talaga ako palaban. Papakita ko na lang sayo kung ano mangyayari sa akin.

“This time kasi sabi ko sa sarili ko, kung noon di ako lumalaban buong buhay ko kahit gustong-gusto ko na lumaban, dito ko siya ilalabas.

“Ganu’n ‘yung ginawa ko. Release din siya. Buong buhay kong kinikimkim na sama ng loob…lalaban ako,” ani Kaori.

Ang “Fractured” ay mula sa direksyon ni  Thop Nazareno, at nagsimula na last Friday sa iWant. Kasama rin dito sina Sean Tristan, Raven Rigor, Jennica Garcia, Mylene Dizon at KaladKaren.

Direk Cathy Garcia tinawag na ‘bully’ si Jeremiah Lisbo; Kaori Oinuma umaming napikon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaori Oinuma keribels lang kahit walang permanenteng ka-loveteam: Ine-enjoy ko naman siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending