JM sobrang na-hurt nang ma-bash sa pagganap na abogado

JM de Guzman sobrang na-hurt nang ma-bash sa pagganap na abogado

Ervin Santiago |April 16,2024
facebook
share this

JM de Guzman sobrang na-hurt nang ma-bash sa pagganap na abogado

Ervin Santiago - April 16, 2024 - 06:40 AM

JM de Guzman sobrang na-hurt nang ma-bash sa pagganap na abogado

JM de Guzman, Lovi Poe at Jameson Blake

NA-HURT nang bonggang-bongga ang Kapamilya actor na si JM de Guzman nang ma-bash siya sa pagganap na abogado sa drama series na “Linlang.”

Iyan ang inamin ng binata nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng upcoming movie ng Regal Entertainment na “Guilty pleasure” opposite Lovi Poe.

Lawyer din ang magiging karakter ni JM sa naturang pelikula kaya naman hindi niya itinago ang katotohanan na nakaramdam siya ng takot nang magsimula na ang kanilang shooting.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin hindi magbibigay ng public apology kay Dawn Chang: Hinusgahan na po agad ang aking pagkatao

Sabi ni JM, matindi ang natanggap niyang pang-ookray mula sa mga viewers ng “Linlang” kaya naman talagang triple ang ginawa niyang paghahanda para sa kanyang role sa “Guilty Pleasure”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kaya sana raw ay pumasa na sa mga manonood ang akting niya bilang abogado sa pelikula nila nina Lovi kasama si Jameson Blake mula sa direksyon ni Connie Macatuno.

“Nahirapan ako sa Linlang. Actually, may nam-bash nga sa akin na hindi raw sila naniniwala na lawyer ako sa Linlang so na-hurt ako,” kuwento ni JM.

“Ngayon, nag-o-observe ako. May mga kinausap din po ako na mga lawyer nu’ng wake ng lola ko,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Diego patung-patong na pressure ang napi-feel sa pagganap bilang BBM; Cesar ‘great blessing’ ang pagbibida sa ‘Maid In Malacañang’

Ilan daw sa inaral niya ay ang tamang pagsasalita at pagkilos ng mga abogado. Bukod dito, nag-research din siya at nag-watch ng mga eksena sa korte.

Handa rin daw si JM na gawin ang lahat para sa “Guilty Pleasure”, kabilang na riyan ang mga intimate scenes nila ni Lovi. Pero rebelasyon ng aktor, inaatake pa rin siya ng matinding nerbiyos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Walang limitasyon. I will do my best, pero kinakabahan ako. Usually yung first day talagang hindi ako nakakatulog sa shoot dahil sa sobrang kaba ko po.

“Kinakabahan po talaga ako in general,sa pressure, kung paano po ang gagawin ko. Nandiyan naman po si Direk, ang mga co-cast member, so du’n na lang po ako kumakapit at kay Lord na sana mabigyan ko po ng hustisya,” sey pa ni JM.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong naman kung ano ang kanyang guilty pleasure, “alak” ang sinabi ni JM, “Alak din saka yung ano… joke lang!  Tapos na ako doon,” ang hirit na biro ng binata na ang tinutukoy ay ang naging bisyo niya noon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending