Leandro payag sumabak sa Vivamax: Pag handa na ‘ko, ang taba-taba ko pa!

Leandro payag sumabak sa Vivamax: Pag handa na 'ko, ang taba-taba ko pa!

Leandro Baldemor

KNOWS n’yo ba na hindi pala masyadong nakaipon noon ang dating sexy actor na si Leandro Baldemor sa kabila ng kaliwa’t kanang pelikula niya sa Seiko Films?

Iyan ang rebelasyon ni Leandro nang makachikahan namin siya kamakailan sa mismong bahay nila sa Paete, Laguna kung saan din makikita ang ipinatayo niyang museum para sa kanyang mga obra bilang iskultor.

Ayon kay Leandro, totoong marami siyang nagawang bold movies sa Seiko Films pero ang tanong, nakapag-save ba siya noon para sa kanyang future?

Baka Bet Mo: Leandro Baldemor nakarma dahil sa mga kasalanan: Sinadsad ako ni Lord!

Nag-isip muna sandali ang aktor sabay buntong-hininga, “Ahhmm, yung suweldo, yung talent fee…kasi maliit lang naman ang suweldo noon, nag-start ako ng P40,000 per film.

“Sa akin, malaki na. Binata kasi, e, wala naman akong obligasyon. Ngayon, naging waldas lang ako sa pera.

“Kasi siyempre, bili ng kotse, bili ng damit, bili ng ganito, ganyan. So walang investment na nangyari nu’ng ako ay kabataan.


“Gawa ng…wala, e. Wala naman akong iisipin sa buhay. Kasi, pakain ako ng nanay ko, pakain ako ng tatay ko. Paaral ako ng tatay ko,” pagbabahagi ni Leandro.

“Sabi nga ng nanay ko, ng tatay ko, ‘Huwag na hindi ka makakatapos. Kahit pa ilang taon kang makaano, gusto namin, bigyan mo kami ng titulo mo para tapos ka.

“Kasi ikaw pa naman ang panganay, gusto naming makatapos ka kahit nag-aartista ka na.’

“Sabi ko, ‘Sige po.’ ‘Kasi ang pag-aartista, hindi habang buhay,’” pahayag pa ng aktor na aktibo pa rin ngayon sa pag-aartist.

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Leandro Baldemor: ‘Ayaw kong magpakaipokrito, kailangan ko ng showbiz dahil…’

Naikuwento rin ni Leandro na may mga limitasyon siya sa paghuhubad at pakikipag-love scene sa kanyang mga pelikula.

Natatandaan din niya na may nakasaad din sa pinirmahan niyang kontrata sa Seiko Films na hindi siya pwedeng mag–frontal nudity at wala rin dapat makitang pubic hair sa kanyang mga pictorial.

Natanong naman namin si Leandro kung payag ba siyang sumabak uli sa pagpapaseksi at kung game ba siyang gumawa ng movie sa Vivamax.

Okay naman daw sa aktor pero hindi pa rin daw siya magpo-frontal dahil may asawa na nga siya at mga anak.

“Tsaka sabi ko, saka na, kapag handa na ako. Ang taba-taba ko pa,” natatawa pang sey ni Leandro na napanood sa ilang episodes ng Kapuso series na “Black Rider” ni Ruru Madrid.

Naikuwento nga niya na nag-shooting sa studio niya ang “Eksperimento” episode ng Vivamax trilogy na “Eks,” na pinagbidahan nina Yen Durano, Audrey Avila at Itan Rosales.

Read more...