Leandro Baldemor nakarma dahil sa mga kasalanan: Sinadsad ako ni Lord!
REBELASYON ng dating sexy actor at magaling na sculptor na si Leandro Baldemor, nabiktima rin siya ng karma dahil sa mga nagawa niyang “kasalanan“.
Ayon sa seasoned actor, naniniwala raw siya sa karma dahil personal na niya itong naranasan sa buhay niya kaya mula raw noon ay naging maingat na siya sa mga desisyon niya sa buhay.
“Oo, nakarma ako. Nakarma ako. Lahat ng nabigay sa akin na, kumbaga, na alam kong may pagkakamali ako, kinuha Niya lahat.
Baka Bet Mo: Dating sexy actor na si Leandro Baldemor feeling ‘yummy’ dahil pinag-aagawan ng 2 leading lady
“Tapos yung bahay ko, pinitik iyan. Pinitik iyan. Mabuti nga, hindi na lahat yung bubong,” sabi ni Leandro nang makachikahan namin sa mismong mansion nila sa Paete, Laguna.
View this post on Instagram
Sey pa ng aktor, “Hindi ko naman maano pero tingin ko, isa yun sa naging karma ko. Pati mga negosyo ko, talagang sinadsad ako ni Lord, e.
“Sinadsad ako talaga. Pero sa akin, okay lang. Kasi nu’ng mga time na iyon, deadma ako kung sadsad man o hindi. Pero alam kong hirap ako,” aniya pa.
Sa tanong kung may pagkakataon ba na kinuwestiyon niya si Lord sa lahat ng pagsubok na hinarap niya nitong mga nagdaang taon.
“Hindi. Kasi alam ko naman na wala, e. Wala lang. Basta hirap ako. Kasi may time na wala akong pera,” sey ni Leandro.
Baka Bet Mo: Leandro nag-sorry sa transwoman: Hindi ko naibigay yung hiniling niya
Aniya pa, “Ngayon yung alkansya ng anak ko na kawayan, nandu’n sa likod ng kotse, binutas ko yun para lang makabili kami ng bigas.
“Napakalaki ng bahay ng tatay ko diyan sa harap, ha? Pero hindi ako humingi. Meron akong P500, pinapalit ko sa kapatid ko.
“Bumili ako ng bigas para pagdating ng asawa ko, meron akong kakainin. Ganu’n kasimple lang ang buhay namin. Kuntento na ako. Happy lang ako, wala akong problema. May pera akong P500, bili tayo ng bigas,” sey pa ni Leandro.
View this post on Instagram
Pinairal ba niya ang pride niya kaya hindi siya nag-ask ng help sa kanyang parents, “Hindi pride. Siguro nakasanayan ko simula bata na hindi umasa.
“Siguro kung masyado akong madibdibin, masyado akong mahanap sa buhay, iinda ako. ‘O, Mang, ganito-ganyan, Mang.’ Kasi kung lalapit naman ako, hindi naman nila ako pahihindian.
“Kasi, paano pa sila, bakit sila naghahanap-buhay ng ganyan kung hindi tutulungan ang mga anak?
“Kaso nga lang, alam pa nila na kaya ko. Alam pa nila na kaya kong tumibay. Titibay ka, titibay ang tuhod mo, kakayanin mo iyan.
“Alam nila na naghihirap ako. Kaso nga lang, ang naging thinking ko, talagang laban!” sabi pa niya.
Hanggang sa dumating na nga ang araw na nakabangon ang aktor dahil sa tagumpay ng kanyang business paglililok na karamihan ay mga santo. Abot-langit ang pasasalamat niya kay Lord at sa kanyang patron saint na si Padre Pio.
“Totoo talaga! Totoo talaga, buhay akong saksi!” sey ni Leandro. Ang iba pa niyang personal patron saint ay si Santa Clara at ang Birhen ng Antipolo.
“Kay Santa Clara ako ipinagdasal ng asawa ko na magbago. Ha-hahaha! Sabi ko, ‘Bakit ba dinadala mo ako dito sa Santa Clara? Yun pala, ipinagdarasal na ako ng asawa ko.
“Binubulungan ako, ‘Magbago ka.’ Maraming pagbabago…kay St. Clare sa may Katipunan. Kasi kapag kami pupunta, St. Clare saka Padre Pio ng Eastwood. Every feast yun ni St. Clare, pupunta rin kay Padre Pio,” aniya pa.
Tinanong namin si Leandro kung may himala na bang nangyari sa buhay niya, “Ay! Marami, marami. Marami, ayoko na lang…siyempre, yung ibang tao, ‘Ano ba naman? Estatwa yan.’
“Ako naman, e, ito ang cellphone ko, e. Yung cellphone natin, minuto lang mawala, hindi mo alam ang gagawin mo, di ba? Yun ang pinagbasihan ko sa aking pananampalataya.
“Malalim, malalim. Saka hinahayaan kong Siya ang gumalaw,” sabi pa ni Leandro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.