Brenda Mage: Kasalanan ko bang lapitin ako ng bagets na gwapo

Brenda Mage: Kasalanan ko bang lapitin ako ng bagets na gwapo

Therese Arceo |April 10,2024
facebook
share this

Brenda Mage: Kasalanan ko bang lapitin ako ng bagets na gwapo

Therese Arceo - April 10, 2024 - 05:19 PM

Brenda Mage: Kasalanan ko bang lapitin ako ng bagets na gwapo

Brenda Mage at Gio Sta. Ana

PINALAGAN ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at komedyanteng si Brenda Magr ang mga negatibong hanash sa kanya ng mga netizens matapos ang hiwalayan nila ng kanyang dating dyowa na si Gio Sta. Ana.

Sa kanyang Facebook page ay naglabas siya ng saloobin matapos ang kanyang announcement na break na sila ng dyowa niya na madalas niyang i-flex sa social media.

Panimula ni Brenda, “Masarap mag mahal….wag kang matakot magmahal dahil lang sa mapanghusgang tao sa paligid. Tandaan mo hanggat wala kang tinatapakang tao at masaya ka sa ginagawa mo/nyo pagpatuloy mo lang.

“Kung maghiwalay man kayo then accept it and move on basta alam mo sa sarili mo saan ka lulugar at kung paano mo tatanggapin ang importante naging masaya ka sa kung anung meron kayo.”

Baka Bet Mo: Brenda Mage hiwalay na sa dyowang si Gio Sta. Ana: ‘BrenGio is signing off’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Brenda, hindi naman daw sukatan ng tunay na pagmamahal ang tagal ng relasyon.

“Kahit araw o linggo o buwan lang ang inabot ng relasyon nyo kung naging masaya kayo ok na yun..yang mga maraming satsat sa paligid yan ang mga takot at di nakaranas ng tamis ng tunay na pag-ibig kaya nangingialam nalang ng ibang relasyon,” hirit pa ng vlogger.

Basta para kay Brenda, naging masaya siya sa kanilang naging relasyon ni Gio sa kabila ng kanyang itsura.

“Basta ako naging masaya ako sa naging relasyon ko kahit ganito ang itsura ko na mukha pang tyohin nyo at take note MGA GWAPO!!

“[F]or the record [five] times na ko nagkajowa at nakipaghiwalay pero never ako mag ngangawa sa iyak dahil sa niloko ako o ginamit ako dahil alam ko sa sarili ko ang ganitong relasyon ay panandalian lamang at may hangganan ang importante nasabi ko na naging masaya ako,” sey pa ni Brenda.

Nagbigay rin siya ng mensahe para sa mga nagsasabing ginamit lang siya ng dating dyowa.

“Tsaka sa nagsasabi jan na ginamit lang ako at napaka feeling ko na mas barako pa ang itsura ko at umaasang mamahalin ng totoo.
HOY FYI 12yrs ang Kathniel 11 years ang KimXi perfect ang mga mukha babae at lalaki naghiwalay pa!!!!

“Hiyang hiya naman ako!! Acclang to! Ang dami kong Kilala magaganda na inanakan pa iniwan din naman!! Ako pa ba? Dibale nagkahiwalayan ang importante nagkatikiman!! Ang daming lalaki juice colored!” buwelta ni Brenda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa rito , hindi raw niya kasalanan kung mas barako pa ang itsura niya sa mga nagiging dyowa niya.

“Kasalanan ko bang lapitin ako ng mga bagets na Gwapo hahaha. At mind you Hindi ko kasalanan kung mas barako pa itsura ko sa mga Jowa ko.. Si Lord nagbigay nito alangan magreklamo ako,” hirit pa ni Brenda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending