Brenda Mage hiwalay na sa dyowang si Gio Sta. Ana

Brenda Mage hiwalay na sa dyowang si Gio Sta. Ana: ‘BrenGio is signing off’

Pauline del Rosario |April 07,2024
facebook
share this

Brenda Mage hiwalay na sa dyowang si Gio Sta. Ana: ‘BrenGio is signing off’

Pauline del Rosario - April 07, 2024 - 02:56 PM

Brenda Mage hiwalay na sa dyowang si Gio Sta. Ana: ‘BrenGio is signing off’

PHOTO: Facebook/Brenda Mage

“GANUN talaga ang buhay.”

‘Yan ang naging pahayag ng komedyante at content creator na si Brenda Mage matapos ibalita na hiwalay na sila ng dyowa na si Gio Sta. Ana makalipas ang halos dalawang taon.

Sa Facebook, ibinandera ni Brenda ang kanyang video na nakahiga sa kama at yakap-yakap ang isang teddy bear na iniregalo sa kanya ng ex-boyfriend, pati na rin ang isang unan na may mga mukha ni Gio.

Caption niya, “Dito nalang.. Salamat sa 22 months nating dalawa at sa masasayang alaala [weary face emoji].”

Sa video, makikita na kahit nakangiti si Brenda ay ramdam ang kanyang lungkot dahil sa breakup.

Baka Bet Mo: Brenda Mage niregaluhan ng mamahaling cellphone ang bagong dyowa: Binigyan naman niya ako ng pinakulob na itik!

“Ganyan talaga ang buhay,” sey niya.

Wika pa ni Brenda, “May mga bagay talaga na kailangan nating tanggapin na hanggang doon nalang tayo, hanggang dito nalang.”

Kasunod niyan ay nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa love team nila na BrenGio.

“Maraming, maraming salamat sa walang humpay na pagsuporta niyo sa amin. Sa halos dalawang taon namin o one year and ten months naming magdyowa ay ngayon talagang wala na kami,” balita niya sa post.

Panawagan niya sa fans, “I hope, you continue to support us kahit magkahiwalay na kami ng landas. I’m so grateful na kasama namin kayo sa journey namin together. I love you so much BrenGio supporters and BrenGio is signing off.”

As of this writing, wala pang isang araw mula nang inupload ang nasabing video, pero umaani na ito ng mahigit 825,000 views at 33,000 reactions.

Libo-libong netizens rin ang napa-comment at karamihan ay umaasa na matatagpuan ni Brenda ang lalaking para sa kanya.

Narito ang ilan sa mga sentimyento nila:

“Keep praying lang Brenda Mage Godbless po[folded hands emoji]”

“Good luck nalang sa bago mong mamahalin. Sadyang ganyan ang buhay, may nawawala at may dumarating [red heart emojis]”

“That’s life, you deserve best to be happy Brenda [heart emoji] Dito lang me support always.”

“OK lang ‘yan di siya talaga para sayo may nakalaan talaga para sayo at ‘yun ‘yung totoong mamahalin ka. Darating din ‘yun sayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siya ang nawalan hindi ikaw. Na sa’yo na lahat maganda, mabait, mapagmahal”

“Malungkot man ang nangyari sa inyong dalawa. Pero ganun talaga makakahanap ka pa ng totoong lalaki na magmamahal sayo ng totoo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending