Dating sexy actor na si Leandro Baldemor feeling ‘yummy’ dahil pinag-aagawan ng 2 leading lady
FEELING “hunky and yummy” ang dating sexy actor na si Leandro Baldemor sa bagong teleserye ng GMA 7 na “Nakarehas Na Puso.”
In fairness, kahit nadagdagan ang edad ng aktor napanatili pa rin niya ang kanyang magandang katawan at mukhang fresh na fresh pa rin ang itsura.
Tuwang-tuwa si Leandro dahil for the first time nga ay magbibida siya sa napakalaking drama series ng GMA na mapapanood na simula sa September 26.
At sa kuwento ng “Nakarehas Na Puso”, pag-aagawan siya ng dalawa niyang leading lady – sina Jean Garcia at Michelle Aldana.
“Napakapogi ko rito kaya nga hindi talaga ako makapaniwala kasi nu’ng nagbabasa kami ng script, panay nga ang kantiyaw nitong dalawa sa akin!” ang tawa nang tawang chika ni Leandro sa virtual presscon ng bagong Kapuso serye.
Gaganap si Leandro bilang Jack Galang, sa “Nakarehas Na Puso” at natanong siya sa mediacon kung ano ang pagkakapareho nila sa tunay na buhay.
“Si Jack Galang mapagmahal sa pamilya, ang focus niya talaga maging masaya parati saka sama-sama sila.
“Ganoon din si Leandro sa pamilya niya. Lahat gagawin para sa mga anak. Siyempre, ang pangarap natin sa buhay, mabigyan natin ng magandang buhay yung anak natin. Mapagtapos natin sa pag-aaral,” aniya pa.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “Ganoon si Leandro, ginagawa niya ang lahat para sa pamilya. Walang sinasaling na tao. Gustong makaangat sa buhay pero sa malinis at magandang pamamaraan.”
Nagsimula ang acting career ni Leandro taong 1996 at bumida sa mga sexy movies ng Seiko Films. Para sa kanya, isang propesyon ang pagiging artista.
“Hindi po hobby ang pag-aartista. Ito po, e, talagang nananalaytay sa dugo at saka ibinigay sa akin ni Lord ‘yan.
“Talagang kini-claim ko na ibinigay Niya sa akin kasi after na ma-discover ako, seven days, nasa showbiz na ako. Kaya sabi ko sa Kanya, huwag mo akong pawawalan ng project, ha?
“Karugtong na ‘yan sa buhay ko. Hindi hobby lang, walang ganoon. Nirerespeto ko at saka ‘yan ang ipinapakain ko sa aking mga anak na itutulong ko rin sa mga tao na nangangailangan,” pahayag ng aktor
Aniya pa patungkol sa bagong proyekto, “Malaking bagay sa akin ito at malaking blessing ng GMA.
“Maraming-maraming salamat sa GMA dahil sa natatandaan ko, nag-start ako sa GMA na gumawa ng teleserye, 2010 pa, buhay pa si Direk Maryo J. de los Reyes.
“Hanggang ngayon, 2022 na, medyo matagal-tagal nang pasasalamat ito, kahit papaano, nakukuha pa rin ako ng GMA 7,” sabi pa ni Leandro.
https://bandera.inquirer.net/292595/bea-kumasa-sa-birit-showdown-ng-tbats-bianca-umaming-very-much-in-love-ngayon
https://bandera.inquirer.net/285443/joaquin-domagoso-bukas-ang-isip-at-puso-sa-pagpasok-sa-politika-tulad-ni-isko-pero
https://bandera.inquirer.net/303012/lotlot-sa-nagsabing-napakatigas-ng-puso-niya-kay-ate-guy-wala-na-po-ba-kayo-idadagdag-sa-panghuhusga-nyo
https://bandera.inquirer.net/301436/christmas-message-ni-bea-gomez-tagos-sa-puso-pamilya-sa-cebu-fastfood-takeout-ang-noche-buena
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.