Eddie Murphy muling bibida sa bagong ‘Beverly Hills Cop’ after 30 years
MULING sasabak sa aksyon at magbibigay-aliw ang Hollywood actor and comedian na si Eddie Murphy!
Makalipas kasi ang tatlong dekada, magbabalik ang kanyang karakter sa latest installment ng “Beverly Hills Cop” franchise.
Yes, yes, yes mga ka-BANDERA readers, muli niyang gagampanan ang role bilang si Detective Axel Foley para sa upcoming sequel na pinamagatang “Beverly Hills Cop: Axel F” na nakatakdang ipalabas sa Netflix sa darating na July 3.
Sa pasilip, mapapanood ang ilang intense action scenes ni Eddie, kabilang na riyan ang pag-drive niya ng helicopter, ang eksenang high-speed car chase, pati na rin ang pagmamaneho niya ng snowplow.
Ipinakita rin na may bago na siyang partner sa action film.
Baka Bet Mo: Pinoy actors Martin Sarreal, Jimbo Bradwell pasok sa ‘Bridgerton’ Season 3
Siya si Detective Bobby Abbott na pinagbibidahan ng sikat na American actor na si Joseph Gordon-Levitt.
“Detective Axel Foley (Eddie Murphy) is back on the beat in Beverly Hills,” sey sa synopsis na inilabas ng video streaming service.
Kwento pa, “After his daughter’s life is threatened, she (Taylour Paige) and Foley team up with a new partner (Joseph Gordon-Levitt) and old pals Billy Rosewood (Judge Reinhold) and John Taggart (John Ashton) to turn up the heat and uncover a conspiracy.”
Kung matatandaan, noong 1984 nang unang ipinalabas ang “Beverly Hills Cop” na umiikot ang kwento sa isang Detroit detective na naging pasaway at nagtungo sa southern California upang kusang lutasin ang pagpasalang sa kanyang childhood friend na ginampanan noon ng American actor na si James Russo.
Ang Hollywood comedian din ang bumida sa Axel in Beverly Hills Cop II noong 1987 at “Beverly Hills Cop III noong 1994.
Ang inaabangang pelikula na ito ni Eddie ay ang huling installment ng nasabing franchise.
Sa isang interview, inamin ng aktor na nahirapan siya sa pagganap dito dahil siya’y may edad na.
“It was a hard one. I did Axel Foley when I was in my 20s. I am not in my 20s anymore,” chika niya.
Ani pa ni Eddie, “It was an action movie. So it was a rough one. But we got through it.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.