Fabio Ide proud sa bagong business venture: ‘It’s very special, unique!’
MAY bagong pinagkakaabalahan na negosyo ang Brazilian-Japanese model and actor na si Fabio Ide!
Pinasok na rin kasi niya ang gin business bilang isa sa main distributors ng “Antidote Gin” na mula pa sa France.
Sa Instagram, proud niyang ibinandera ang official launching ng kanyang produkto kasama ang business partner na si Chris Brancamonte.
“We have finally launched @antisotegin.ph in the Philippines, and we couldn’t be happier with the success of our event!” caption niya sa post, kalakip ang ilang moments ng launching nito.
Dagdag pa niya, “Big thank you to my business partner @Chrisbracs for the trust and warm welcome into the spirits business.”
Baka Bet Mo: Bea Alonzo ‘official resident’ na ng Spain, proud na ibinandera ang bagong business venture
View this post on Instagram
Noong May 22 nang maganap ang nasabing official launching sa Makati City at isa ang BANDERA sa mga naimbitahan ni Fabio.
During the short program with the media, naikuwento ng aktor na hindi basta-basta ang kanyang produkto.
Dahil gaya ng mga wine, gawa rin daw ito sa natural ingredients ng white and red grapes.
“Antidote Gin has been here in the Philippines for the past maybe one year and a half, but only today, we are officially launching [the Antidote Gin],” panimula niya.
Sey pa niya, “For those who don’t know, Antidote Gin is a gin from Bordeaux, France and it’s a gin made of red and white grapes, which is very different from other brands made of grain or wheat. It makes Antidote Gin a very special and unique gin.”
Sambit naman ng business partner ni Fabio, “This gin, since it’s from grapes, it’s kind of pure, it’s natural –I’m not saying it’s good for your health because it’s alcohol. But somehow, it’s about time for us to enjoy something that you would, in our case, we need to function on the next day.”
“We want something that it’s not gonna poison you now or even the next day. Therefore, if you drink something that’s pure, natural –you still function the next day,” ani pa niya.
Nagpaalala rin si Chris na kailangan pa ring bantayan ang posibleng epekto ng pag-inom ng alcoholic drinks sa kalusugan.
“Drink moderately!” ika nga niya.
During the official launch, nakita namin ang bawat bote ng gin na talaga namang susyal ang datingan.
May lima itong flavors – Citron De Course, Orange De Course, 17 Botanical & Spices, Mountain Master at Style Méditerranéen.
May offer din sila para sa mga hindi fan ng alcoholic drinks – ito naman ang kanilang Botanical Distillate 0%.
Natikman namin halos lahat ng nabanggit na flavors ng gin at totoo nga na wala itong after taste na mapakla at swabe lang sa panlasa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.