TILA hindi nakaganda sa pananaw ng netizens ang pagsasampa ni Bea Alonzo ng cyber libel laban kina Nanay Cristy Fermin at Ogie Diaz.
Bukod sa dalawang online hosts, isinama rin ng aktres sa kanyang demanda ang mga co-hosts ni Nanay Cristy sa “Showbiz Now Na” pati ang mga kasamahan ni Ogie sa YouTube channel nilang “Showbiz Update”.
Base kasi sa mga komento ng netizens sa aktres ay masyado raw siyang balat sibuyas. Isa raw siyang public figure kaya dapat daw ay open siya sa mga kritisismo at pagpuna.
Baka Bet Mo: Claudine Bautista-Lim nagsalita matapos kumalat ang cyber libel case laban kay Enchong Dee
Ayon sa aming source, two counts of libel ang isinampa ni Bea laban kay Ogie na nasulat na namin dito sa BANDERA kamakailan.
Ito’y tungkol sa komento raw nilang hindi nagtagal ang seryeng “Start Up PH” dahil mababa ang ratings at ang isyung dapat ay mauunang i-offer muna kay Marian Rivera ang project at kapag tumanggi ay saka lang ibibigay kay Bea.
Hindi raw ito totoo base sa inilabas na official statement noon ng GMA management tungkol dito.
Sa programang “Cristy Ferminute” kahapon ng tanghali nina ‘Nay Cristy at Romel Chika na napapakinggan sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM ay isa-isa nilang binasa ang mensaheng gustong iparating kay Bea Alonzo.
Nag-post kamakailan ang aktres sa kanyang Instagram account ng ineendorso niyang kilalang bangko sa Pilipinas pero tila hindi ito nagustuhan ng netizens.
Baka Bet Mo: Ogie ‘di galit kay Bea, hirit sa bashers: Halos idukdok n’yo kami putikan
Kuwento ni ‘Nay Cristy, “So, dapat doon ay matuwa ang mga nakababasa at nakakikita pero ang nangyari ay sinasarkastiko siya talaga ng mga netizens.
“Sabi nu’ng isa, ‘Ay naku mga friends ‘wag na tayong magkomento baka idemanda rin tayo.’
“Sabi naman nu’ng isa, ‘Ay puro magaganda lang ang gusto niyang marinig at makita. ‘Wag na tayong mag-comment mahirap na, ‘no?’”
Sa isang pahayagan naman daw ay nasa comment section ang, “Bea Alonzo inaayawan na baka raw mademanda ang mga magkokomento.”
Natawang sambit pa ni ‘Nay Cristy ay nakalathala nga ang kanyang larawan sa nasabing pahayagan.
Maging si Romel Chika ay kinumusta ng mga kaibigan tungkol sa demanda ni Bea, “Ang sagot ko, ayaw ko na lang mag-talk.”
Paliwanag ni ‘Nay Cristy, “Alam n’yo po mga kapatid hindi natin maiiwasan ang ganitong senaryo kapag ang mga artista po ay may ginagawang aksyon na hindi naman paborable sa mas nakararami.”
Patuloy pa ng “CFM” at “SNN” host na nabasa niya sa isang pahayagan na sinabi ng netizen, “Ay nalalaos ka na kasi kaya ka nag-iingay, ay gumagawa ka kasi ng mga bagay-bagay para ka mapansin, negatibo po ang mga nababasa natin dahil sila (netizens) rin po ay nakikilahok sa mga isyung pinag-uusapan natin ngayon. Lalo na po sa kasagsagan ng social media? Sino ba ang ligtas ngayon, wala!”
Susog ni Romel Chika, “Wala tayong control sa mga gusto nilang (netizens) sabihin.”
May binasa pa si ‘Nay Cristy na, “Nakakatakot talaga ‘yung taong ayaw makarinig ng mga puna or areas for improvement dahil ang gusto niya ay puro papuri lang ang matanggap niya, so, ano feeling perfect, ganu’n? Kaya hayan tuloy 90% komento sa IG niya negatibo at marami ang nagsasabing i-unfollow nila si Auntie (tawag kay Bea).”
Kadalasan kapag hindi magaganda ang komento ay ini-off ang comment section pero si Bea ay hindi, marahil ay binabantayan din ng social media team niya at saka idudulog sa legal counsel kung ito’y puwedeng sampahan ng cyber libel.
O, baka naman gusto lang din ng aktres na maging aware kung ano ang mga komento sa kanya ng netizens.
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Bea Alonzo tungkol sa mga birada sa kanya ng netizens.