Paolo gustong mag-sorry sa ama: Marami akong kapalpakang nagawa

Paolo gustong mag-sorry sa ama: Marami akong kapalpakang nagawa

Yen Santos at Paolo Contis

KUNG may gustong sabihin ang Kapuso actor at TV host na si Paolo Contis sa namayapa niyang ama, yan ay ang salitang “sorry.”

Inamin ni Paolo na marami siyang nagawang sablay na desisyon sa personal niyang buhay kaya kung mabibigyan siya uli ng chance nais niyang humingi ng tawad sa amang si Renato Soru Contis na pumanaw noong 2010.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa Kapuso star kahapon, nagbahagi siya ng ilang detalye about his family, kabilang na ang kanyang mga magulang.

Baka Bet Mo: Hirit ni Chito Miranda sa 1st birthday ni Cash: Gusto kong sabihin na ‘wag ka sanang magbabago pero…

Sa isang bahagi ng interview ni Tito Boy, inamin ni Pao na pagdating sa usaping pag-ibig totoong mahirap daw mahalin ang mga lalaki.


Natanong kasi ng premyadong TV host ang kontrobersyal na aktor kung ano ba ang alam niya tungkol sa personalidad ng mga lalaki na dapat niyang malaman.

“Tito Boy, mahirap mahalin ang mga lalaki. I have to be honest. Nakakainggit ‘yung ibang mga tao that they are very open about their feelings, maraming tagong angst, pain ang lalaki.

“Because we always have to act strong. And sometimes you’re not that strong and you cannot show it to the people,” ang pahayag ni Paolo.

Baka Bet Mo: Ice ibinuking ang malakas na paghilik ni Liza: ‘Natutuwa ako kasi ibig sabihin, mahimbing ang tulog mo kapag yakap kita’

At nang matanong nga kung sino ang gusto niyang makasama sa isang dinner, binanggit niya ang kanyang parents at kapatid.

Ang rason ni Pao, “I just want to have another sit-down dinner with my mom, my brother and my dad.”

Ano naman ang gusto niyang sabihin sa kanyang mga magulang? “Sasabihan ko lang kay Papa na ‘I’m okay.’


“I have to thank my mom for everything, for keeping me strong. And I would have to tell my dad, ‘Sorry.’

“Simula noong nawala siya, medyo marami akong kapalpakang nagawa. I know I still have time to change that, and I promise him that I’ll make him proud again,” rebelasyon ng aktor.

Kamakailan lamang ay naging hot topic na naman ang Kapuso actor dahil sa chikang break na raw sila ng dyowang si Yen Santos.

Ito’y matapos siyang i-unfollow ng aktres sa Instagram at burahin lahat ng mga photos nila together. At nang matanong about it, “no comment” lamang ang kanyang naging tugon.

“As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko so I’d like to keep my personal life personal,” ang pag-iwas ng Kapuso star sa isyu.

Read more...