Dingdong sa chikang may anak sa isang aktres: Wala po, not true

Dingdong sa chikang may anak sa isang aktres: Not true, I love my wife!

Ervin Santiago |May 09,2024
facebook
share this

Dingdong sa chikang may anak sa isang aktres: Not true, I love my wife!

Ervin Santiago - May 09, 2024 - 11:44 PM

Dingdong sa chikang may anak sa isang aktres: Not true, I love my wife!

Lindsay de Vera, Marian Rivera at Dingdong Dantes

FAKE news ang matagal nang chika na may anak daw ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa aktres na si Lindsay De Vera.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang matagal nang tsismis na nagkaanak daw si Lindsay at si Dingdong.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay diretsahang sinagot ng asawa ni Marian Rivera ang naturang isyu na patuloy na pinag-uusapan ng mga Marites sa social media.

Nag-guest ang TV host-actor ngayong araw, May 9, sa “Fast Talk With Boy Abunda” at dito nga siya tinanong hinggil sa isyu.

Baka Bet Mo: JC de Vera sa pagiging Kapamilya: Naging actor ako, ‘yun ang pinakamasarap sa pakiramdam

“Lumabas na ang balitang ito, nasa social media, ikaw ay may anak kay Lindsay de Vera?” ang tanong ni Tito Boy kay Dingdong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“Wala po. Hindi po totoo,” ang tugon ng premyadong aktor.

“Sa totoo lang, nagdadalawang-isip talaga ako kagabi kung may sasabihin ba ako about the topic and the issue, kasi alam kong baka tanungin ninyo, e.

“Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa akin na mga kaibigan, mga kamag-anak, yung mga nagmamalasakit po sa akin.

“And because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang-mahalaga po ang aspetong ito para sa akin,” pagbabahagi ng Kapuso superstar.

Baka Bet Mo: Baguhang singer na si Lindsay Bolaños may laban ang boses, pangarap maka-collab sina Regine at Morissette

Dagdag pa niya, “I have a responsibility sa aking pamilya to clear things like this. I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying that it is not true.

“Sa totoo lang, noong una pinagtatawanan lang naman namin to, kami ni Marian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


“Pero dumating na nga rin sa punto na marami nang nakakapanood [sa mga naglalabasang video]. Siyempre natural lang din na may magtatanong sa akin.

“Kaya, yeah, once and for all, I’m clarifying na hindi siya totoo,” paliwanag ni Dong.

Hindi rin daw alam ng aktor kung bakit until now inili-link pa rin siya kay Lindsay, “I really have no idea. Mahirap magbigay ng mga espekulasyon tungkol diyan dahil, sa totoo lang, first time ko na mapunta sa ganitong sitwasyon.”

“I think, I’m okay that I clear it because kailangan po talaga dahil mahal ko ang pamilya ko, kailangan na maging klaro yung mga bagay na ganito,” dugtong ni Dong.

Nagkasama sina Dingdong at Lindsay sa mga GMA primetime series na “Pari Koy” (2015) at sa dalawang season ng “Alyas Robin Hood” noong 2016 at 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna nang itinanggi ni Lindsay na may anak sila ni Dingdong sa isang panayam kasabay ng pagbabanta na kakasuhan niya ang mga taong nagpapakalat ng tsismis tungkol sa kanila ni Dingdong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending