Alden sa relasyon nila ni Kathryn: I want it to be personal

Alden sa relasyon nila ni Kathryn: I really want it to be personal

Ervin Santiago |May 08,2024
facebook
share this

Alden sa relasyon nila ni Kathryn: I really want it to be personal

Ervin Santiago - May 08, 2024 - 12:38 PM

Alden mas gustong gawing private ang tunay na relasyon nila ni Kathryn

Alden Richards at Kathryn Bernardo

MAY namamagitan na nga kayang “something beautiful and special” kina Kathryn Bernardo at Alden Richards?

Yan ang nagkakaisang tanong ng mga netizens lalo na ng KathDen fans na umaasang magkakatuluyan din sa tunay na buhay ang dalawa sa tamang panahon.

Baka Bet Mo: Female star binabayaran ng milyones ni male celeb para magkunwaring dyowa

May mga nakausap kaming loyal supporters ni Alden na nagsabing malakas ang feeling nila na nagkakamabutihan na nga ang Kapuso actor at si Kath.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kung ang pagbabasihan ay ang mga sweet photos nila together na nag-viral sa social media at ang mga video na kuha sa iba’t ibang okasyon, malamang daw sa malamang ay may mutual understanding na raw ang dalawa.

Pagtatapat ng Asia’s Multimedia Star, pagkatapos nilang gawin ang kanilang box-office hit movie na “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 ay hindi naputol ang kanilang komunikasyon hanggang sa maging solid ang kanilang pagkakaibigan.

“The friendship never ended. Naging solid din talaga yung samahan naming lahat (sa HLG). And right now, I’m just quite overwhelmed.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake may bago na nga bang natagpuang pag-ibig?

“Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal,” sabi pa ni Alden sa panayam ng Preview Philippines.

Wala namang nabanggit si Alden kung matutuloy pa ang part 2 ng “Hello, Love, Goodbye” matapos itong gumawa ng kasaysayan sa history ng Philippine movie industry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tumabo ito ng mahigit P880 million sa takilya at naging record-holder din bilang highest-grossing Filipino film of all time, mula nang ipalabas ito noong 2019.

Pero binura na nga ito ng pelikulang “Rewind” na ipinalabas sa MMFF 2023 na pinagbidahan ng celebrity couple na sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Samantala, may isang source naman na nakapagsabi sa amin na nag-level up naman daw talaga ang relasyon nina Alden at Kathryn. More than friends na talaga ang turingan nila.

Chika ng aming kausap, totally moved-on na raw ang aktres sa breakup nila ni Daniel Padilla base na rin sa nakikita nilang happiness nito ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ng ating source, sana raw ay i-push na ni Alden nang bonggang-bongga si Kath dahil baka maunahan pa siya ng ibang lalaking umaaligid-aligid sa dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending