Orange & Lemons napa-throwback sa 'halikan' ng KathNiel

Orange & Lemons napa-throwback sa pagsasayaw at halikan ng KathNiel

Reggee Bonoan |May 06,2024
facebook
share this

Orange & Lemons napa-throwback sa pagsasayaw at halikan ng KathNiel

Reggee Bonoan - May 06, 2024 - 09:00 AM

Orange & Lemons napa-throwback sa pagsasayaw at halikan ng KathNiel

Orange & Lemons, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NAGKAAYOS na ang Orange and Lemons band at ang aktres na si Francine Diaz at balitang magkakaroon pa sila ng collaboration.

Okay na okay ‘yun, at least pareho silang nakinabang sa libreng publicity both positive and negative.

Kaya namin nabanggit ang Orange and Lemons ay dahil naaliw kami sa kuwento ng bokalistang si Clem Castro bago nila awitin ang “Just Like A Splendid Love” sa nakaraang show nila sa San Jose, Occidental Mindoro.

Aniya, paboritong kanta pala ito ng ex-couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Baka Bet Mo: Sarah sa KathNiel: Mabait sila sa akin, wala silang yabang!

Tsika ni Clem, “Naging themesong ito nina Daniel Padilla at saka ni Kathryn Bernardo noong okay pa slla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐊𝐚𝐭𝐡•𝐍𝐢𝐞𝐥 💙 (@kathnielfolder)


“Na-invite kami sa birthday ni Daniel ni Kathryn tapos sa harap namin sumasayaw sila the whole set, ang hirap kasi magkayakap sila naghahalikan (kaya) nakaka-inggit.

“So, ito ‘yung jinam sa amin ni Kathryn ang title nito ay Just Like A Splendid Love hope you like it,” ang pasakalye ng singer.

Walang malisya ang tono ng bokalista ng banda sa sinabi niya kundi natuwa lang siya dahil paborito ang kanta nila ng KathNiel.

Baka Bet Mo: Pamilya nina John Prats at Isabel Oli ipinagluluksa ang pagkamatay ni Lemon: ‘There is no more suffering in heaven…so run free, my littlest princess’

Hinanap namin sa YT kung may nakapag-upload ng video na sumasayaw sina DJ at Kath sa tugtog ng “Just Like A Splendid Love” pati na ang ilan pang video clips ng travels ng KathNiel sa iba’t ibang bansa at ang naturang kanta nga ang background music.

Habang pinapanood namin ang lumang video ng ex-sweethearts ay natuwa kami dahil ang sweet nila at bagay talaga sila but at the same time ay nalungkot kami dahil wala na nga sila. Sabi nga ni Daniel sa kanta niya, “May kapiling ka ng iba.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Anyway, sa pagkakaalam din namin ay kanta ng Orange and Lemons ang kasama sa repertoire ni Daniel sa concert niya sa Araneta Coliseum, ang “Heaven Knows” na inialay pa niya sa ina ni Kathryn na si Gng. Min Bernardo.

Say ni Daniel, “Tita Min, this is for you!  This is your favorite!”

Nakipag-jamming din ang aktor sa Orange and Lemons ng awiting “Hanggang Kailan” sa “ASAP” noon at kinanta niya rin ito sa ABS-CBN Christmas party noong 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Going back to Orange and Lemons band ay curious kami kung anong awitin ang iko-collab nila with Francine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending