Luis nagpa-biopsy dahil sa lumaking nunal sa ulo, kinabahan sa resulta
“HINDI kasi araw-araw na naririnig mo ‘yung salitang biopsy, ‘yung pagdaraanan mo na, ‘uy may kailangang i-biopsy sa ‘yo,” ito ang bungad kwento ng TV host-content creator na si Luis Manzano.
Sa unang pagkakataon ay seryoso ang laman ng vlog ni Luis na ibinandera sa YouTube channel niya kagabi, Sabado ng 7PM dahil tungkol ito sa lumaking nunal niya sa ulo kung saan kinailangan itong i-biopsy.
Bata pa raw hubby ni Jessy Mendiola-Manzano ay alam niyang may nunal siya at sa katunayan ay ginagawa pa niya itong biro dahil lagi niyang sinasabi sa mga kaibigan na kaya siya matalino ay dahil may nunal siya sa ulo, may nunal din siya sa paa kaya palaalis at mayroon din sa labi kaya siya madaldal.
Nalaman ni Luis ang tungkol sa malaking nunal nang baNggitin ito ng make-up artist habang inaayusan siya para sa nakaraang Star Magic ball.
Sa rami ng doktor at surgeon na tumingin kay Luis ay iisa ang sinasabi na wala lang pero para sa ikatatahimik niya ay ipina-biopsy niya ito.
Baka Bet Mo: Jessy kontra noon sa pagpasok ni Luis sa politics: Hihiwalayan kita!
“Kapag may ganyan (bukol) cancer comes to mind, ang cancer kasi is one of those things na kahit sa kalaban mo hindi mo iwi-wish ‘yun. Ang dami kong kakilala na unfortunately nadale na ng cancer and you see people going through and you can see that it’s very life changing para sa kanila.
“Even if nandoon pa ‘yung reassurance na sinasabi nila na, ‘ay wala ‘yan’ precautionary ‘yan pero kapag may point zero (10x) one, nakaka-badtrip,” kwento ni Luis.
Nasambit din nitong hindi muna niya sinabi sa magulang niyang sina ex-congresswoman Vilma Santos-Recto, Edu Manzano at Finance Secretary Ralph Recto. Ang tanging nakakaalam ay ang asawa niyang si Jessy at mga kasama nila sa bahay.
Ayaw daw kasi nitong mag-aalala ang magulang, lalo na ang inang si Ate Vi na maya’t-maya ay tatawagan siya para alamin kung may resulta na kaya sinikreto muna ito ni Luis.
“Ako na muna ito, ako na ang bahala siguro kung mamalas-malasin, kung ibang baraha ang ide-deal sa akin ng tadhana na jackpot niya siyempre kailangan nang sabihin pero kung manageable, hindi ko sasabihin sa kanila at pag hindi ko sinabi at mapapanood naman nila (vlog) ito magagalit naman sila sa akin,” sambit niya.
Ipinakita sa video na tinanggal ang bukol sa ulo ni Luis, tinahi at inaming kinakabahan siya kahit sinabing wala pero siyempre (iba ang pakiramdam niya).
“Kahit sinabing malabo-labo talagang it’s cancerous siyempre may kaba kasi may stitches ‘yun, eh. Tatanggalan ng samples tapos i-stitch ‘yun,” chika ng TV host.
Sa Belo Medical Clinic sa Greenhills branch isinagawa ang procedure at wala pang isang oras ay tapos na at walang naramdaman ang TV host.
Samantala, kaya ganito ang vlog ni Luis ay, “to create awareness na may mga iba’t ibang nunal na lumabas at binabantayan na meron sa iba’t ibang klase.”
Lima hanggang pitong araw bago malaman ang resulta ng biopsy ni Luis, “nakuha at sabi ni Doc BG ay it looks good pero kailangan pa ng additional test sa blood ‘yung immunohistochemistry (IHC) kaya kinailangan ulit niyang magpakuha ng blood sample para sa test na gagawin ulit.
“Nakuha ko na ‘yung results from Makati Med at sinabi nga na benign, clear. Nag mini-celebration ako, nagpaikli ako ng buhok (gupit military).
“Paminsan-minsan may mga ganu’n tayo small joys sa buhay at ako isa sa small joys ko pag bagong gupit ako.
“Hindi parati ‘yung manalo ka ng one million, hindi parati ‘yung ikaw ‘yung best sa office, ikaw ‘yung pinakamataas na grades, May mga small joys tayo sa buhay na hindi rin biro ang ngiting naibibigay sa atin,” pagbabahagi ng anak nina ate Vi at Edu.
Nang malaman daw ng mommy ni Luis ay napaiyak pa ito.
Nasambit din ni Luis na sa huling vlog niya ay mahaba ang buhok niya at tila hindi nagsuklay o nag-ayos at pinuna raw ito ng nakapanood at sabi niya ay hindi alam na may nangyaring procedure sa kanya kaya ganu’n ang itsura niya.
“Minsan madaling magbato ng mga kung anu-ano na hindi ninyo alam ‘yung tunay na nangyayari, may mga mini battles talaga na pinagdaraanan ang isang tao, so, ‘yun lang another realization.
“Thank you sa mga nanood ng vlog na ito, say a little prayer sa mga dumaraan sa cancer they need prayers, they need strength, and wisdom bukod sa mga gamut na kilangan nila,” pahayag ni Luis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.