Bea nasagad ang pasensya sa mga paninirang-puri, sey ng lawyer

Bea nasaktan, nasagad ang pasensya sa mga paninirang-puri, sey ng lawyer

Pauline del Rosario |May 04,2024
facebook
share this

Bea nasaktan, nasagad ang pasensya sa mga paninirang-puri, sey ng lawyer

Pauline del Rosario - May 04, 2024 - 10:06 AM

Bea nasaktan, nasagad ang pasensya sa mga paninirang-puri, sey ng lawyer

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

LABIS na nasaktan ang aktres na si Bea Alonzo sa walang tigil na paninirang puri laban sa kanya.

Ito ang paliwanag ng legal counsel ng aktres kaya nagsampa na ito ng tatlong magkakahiwalay na reklamo ng cyber libel laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz, pati na rin sa kanilang co-hosts sa kani-kanilang showbiz programs.

Kabilang din sa idinemanda ay ang hindi pinangalanang netizen na nagsasabing kilala niya si Bea ng personal.

Sa news program na “24 Oras” noong May 2, sinabi ni Atty. Joey Garcia na ang paghahain ng mga reklamo ni Bea ay paraan upang igiit ang kanyang mga karapatan.

“For the record, this is the very first time that Bea is doing this,” sey ng abogado.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo ipinagdarasal si Lolit Solis: I heard she’s sick, lalong hindi ako sasagot…I respect her so much

Aniya pa, “She has been in the industry for more than 20 years, and yes, she was greatly devastated, she was affected by all these defamatory statements thrown against her.”

Ayon pa kay Atty. Garcia, umaasa ang aktres na ang mga akusado ay mananagot sa cyber libel cases.

“She asserted her right to proceed with filing these criminal cases against the individuals responsible for making all of these damaging statements against her,” sambit ng lawyer.

Base sa ulat ng GMA news program, hindi pa sinasagot ni Bea ang kanilang kahilingan para sa komento.

Noong May 2 nang dumulog ang Kapuso star sa Quezon City Prosecutor’s Office kung saan kabilang sa mga sinampahan niya ng kaso ay ang ulat na umano’y hindi siya nagbabayad ng buwis.

Bukod diyan, maraming naglabasan din na reports patungkol kina Bea at dating partner na si Dominic Roque matapos kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay noong Pebrero.

Unang nag-react sa pagdemanda ni Bea si Ogie na kung saan ay humingi muna siya ng paumanhin sa mga kaibigang reporters na hinihingan siya ng panig.

Ayon sa kanya, ayaw muna niya magsalita hangga’t hindi pa natatanggap ang subpoena.

“Pero eto ha? Ayoko nang magpaka-plastik, tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending,” sey niya sa bahagi ng post.

Sumagot naman si Nanay Cristy at sinabi niya na hindi pa rin niya natatanggap ang subpoena kaya wala pa siyang alam kung ano ang nilalaman nito.

Ayon sa kanya, karapatan ng kahit sino ang magsampa ng kaso, pero ang hindi lang daw niya matanggap ay ‘yung sinasabing pinagkakakitaan nila ni Ogie si Bea sa pamamagitan ng kanilang showbiz vlogs.

“Ang programa po ni Ogie Diaz, ang kanyang vlog ang ‘Showbiz Now Na’ (at) maging ito pong ‘Cristy Ferminute’ ay dinisensyo hindi lamang po para kay Bea Alonzo. Ito po ay para ibalita ang lahat ng kwento –positibo man o hindi tungkol sa mga personalidad na tinatawag po nating public figures,” sambit niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani pa niya, “At bilang pampublikong pigura po sila ay kami naman po ang nagtatawid ng mga balita tungkol sa kanila hindi po naming maaaring puhunanin si Bea Alonzo lamang para kumita ang aming mga vlogs, mali po iyon.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending