Maja Salvador umalma sa 'fake news', hindi totoong nanganak na

Maja Salvador umalma sa ‘fake news’, hindi totoong nanganak na

Pauline del Rosario |May 02,2024
facebook
share this

Maja Salvador umalma sa ‘fake news’, hindi totoong nanganak na

Pauline del Rosario - May 02, 2024 - 01:57 PM

Maja Salvador umalma sa 'fake news', hindi totoong nanganak na

PHOTO: Instagram/@maja

HINDI pa nanganganak ang award-winning actress na si Maja Salvador.

Ito ang klinaro mismo ni Maja sa pamamagitan ng kanyang Instagram Broadcast Channel matapos makarating sa kanya ang kumakalat na tsismis.

Kasalukuyang nasa Canada ang aktres at sinabi niya na marami ang nangangamusta sa kanya dahil sa “fake news” ng kanyang panganganak. 

“Some of my friends and family are getting confused because someone shared fake news saying I already gave birth,” sey niya sa isang private messaging tool ng IG.

Ani pa niya, “Just to clarify, this is my latest ultrasound showing that my baby girl hasn’t arrived yet! “Thank you!” 

Baka Bet Mo: Maja, Rambo baby girl ang unang magiging anak: ‘Dragon siya. Rawr!’

Sa Instagram Stories naman ng kanyang mister na si Rambo, mukhang ipinarating niya na sa Agosto pa nakatakdang isilang ni Maja ang kanilang first baby.

May shinare kasi siyang post at may nakalagay sa caption na: “Excited to see you and Maja with the baby in 3 months!!”

Maja Salvador umalma sa 'fake news', hindi totoong nanganak na

PHOTO: Instagram Story/@rambonunez

Kung maaalala, December last year nang masayang ibinalita ng mag-asawa na magkaka-baby na sila.

Sa isang IG post, ibinandera nila ang sonogram ng kanilang newest blessing.

Nitong Pebrero naman nang magkaroon ng “gender reveal” party sina Maja at Rambo na ginanap sa Taguig City.

Super happy nilang inanunsyo sa publiko na babae ang kanilang panganay.

Ilan sa mga showbiz personalities na naki-party sa mag-asawa ay sina Kathryn Bernardo, Jericho Rosales, Darren Espanto, Chie Filomeno, at ang mga magdyowang sina Sofia Andres at Daniel Miranda, at Joshua Garcia at Emilienne Vigier.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang July 31 last year nang ikinasal ang dalawa na ginanap pa sa Bali, Indonesia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending