Angelica hindi pa nanganganak may hiling na agad kay Gregg kapag nabuntis uli: 'Day 1 pa lang ima-massage mo na paa ko, ha' Bandera

Angelica hindi pa nanganganak may hiling na agad kay Gregg kapag nabuntis uli: ‘Day 1 pa lang ima-massage mo na paa ko, ha’

Ervin Santiago |September 19,2022
share this

Angelica hindi pa nanganganak may hiling na agad kay Gregg kapag nabuntis uli: ‘Day 1 pa lang ima-massage mo na paa ko, ha’

Ervin Santiago - September 19, 2022 - 02:45 PM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

IN fairness kay Angelica Panganiban, hindi pa man siya nanganganak ay tila may plano na siya agad sa susunod niyang pagbubuntis.

Nakakaaliw ang mga vlog na ipino-post ng Kapamilya actress sa YouTube channel nila ng kanyang partner na si Gregg Homan.

Tulad na lang ng latest vlog nila kung saan nga nabanggit ng future celebrity mom ang mga gagawin niyang paghahanda sakaling masundan pa ang magiging panganay nila ni Greg.

Mapapanood sa video ang paglalambing ng buntis na aktres sa tatay ng kanyang magiging first baby.

Sa latest vlog nga nila sa “The Homans” YT channel ay ipinakita ang paggawa ni Angelica ng Banana Bread Ice Cream habang nagluto naman ng fish and chips si Gregg.


Habang kumakain na sila ng dinner, naglambing si Angelica sa kanyang dyowa, “Bibigyan mo ba ako ng foot massage later?”

“Later, of course,” ang tugon ni Gregg sabay halik sa braso ni Angelica.

Hirit naman ng aktres, “Hon, sa susunod na pregnancy ko, day one pa lang na malaman natin na buntis ako ima-massage mo na yung paa ko ha. Sige na.”

Biglang natawa si Gregg sabay nag-dialogue ng, “Matagal pa naman iyon e. Pero sige sasabihin ko na, ‘Okay!’”

Kasunod nito, nag-post naman si Gregg sa Instagram story ng litrato ni Angelica na may caption na, “Napakaganda mong buntis. Sundan kaya natin kaagad si Bean. Just teasin.”

Ni-repost naman ito ng aktres sa kanyang IG story na umani rin ng sandamakmak na likes at comments mula sa mga netizens.

Kamakailan, pinasalamatan naman ni Angelica ang mga kaibigan niya na nakasama at nakatuwang niya sa kanyang pregnancy journey.

Nag-post ang aktres ng series of photos sa IG kung saan makikita ang ilan sa kanyang mga celebrity friends na may caption na, “Alam ko may nagawa at ginagawa akong mabuti kaya naging ganito ako kapalad pagdating sa mga kaibigan ko. Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko.”

Ilan sa mga artistang nasa pictures ay sina Glaiza de Castro, Bea Alonzo, Maxene Magalona, Kim Chui, Anne Curtis-Smith, Dimples Romana, Angel Locsin, Bela Padilla, JC De Vera, Ryan Bang, Isabel Oli-Prats, John Prats, Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, Alyssa Valdez, Alora Sasam, Jason Ganza, Agot Isidro, Mylene Dizon, Ketchup Eusebio, at Meryll Soriano.

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Angelica ibinandera ang lumolobong baby bump; super excited nang maging mommy

Angelica naniniwalang magiging mabuti at responsableng tatay si Gregg: Happy Father’s Day my Love!

Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending