Sunshine bilang politician's wife: Pag Inglisan, nilalagnat ako

Sunshine hirap bilang politician’s wife: Pag Inglisan na, nilalagnat ako

Ervin Santiago |May 02,2024
facebook
share this

Sunshine hirap bilang politician’s wife: Pag Inglisan na, nilalagnat ako

Ervin Santiago - May 02, 2024 - 12:10 AM

Sunshine hirap bilang politician's wife: Pag Inglisan na, nilalagnat ako

Sunshine Garcia at Alex Castro

PINATUNAYAN ng aktres at ng original member ng SexBomb Dancers na si Sunshine Garcia na napakahirap maging asawa ng isang politiko.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Sunshine ay butihing maybahay ng aktor at public servant na si Bulacan Vice Governor Alex Castro.

Ayon kay Sunhine, bukod sa pagtulong sa mga adbokasiya ng kanyang mister ay challenge rin ang pakikitungo sa iba’t ibang klase ng tao.

Baka Bet Mo: Sunshine Dizon kinukwestiyon pa rin ang sarili sa paghihiwalay nila ng asawa: Saan ako nagkulang?

“Kasi maraming expectation ‘yung tao sa ‘yo. Pati ‘yung kung paano ka magsalita minsan, paano ka kumilos,” ang pahayag ni Sunshine sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, April 30.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Garcia-Castro (@sunshine_garcia)


Sabi pa ng magaling na kontrabida, may mga taong hindi nakakaintindi sa sitwasyon at personal na buhay ng mga public servants.

“Kasi kailangan, parang obligasyon mo minsan na alam mo ‘yung tumulong ka nang tumulong. Kapag hindi mo natulungan, masama ka,” ang esplika pa  ni Sunshine kay Tito Boy.

Naisumbong din ng aktres ang mga naging karanasan niya sa ilang politiko na grabe kung makapanghusga ng kanilang kapwa – yung parang sinusukat daw ang pagkatao nila.

“May iba kasi akong politician na nakaharap na titingnan ka nila magmula ulo hanggang paa.

Baka Bet Mo: Sunshine todo pasalamat kay Diego sa pagiging ‘protective at best kuya’ sa kanyang Tres Marias

“Para ka nilang ‘Magkano ba ito?’ Sinusukat ka na nila. ‘Pag hindi ka nila type, hindi ka nila kakausapin,” sabi pa ni Sunshine.

Dugtong pa niya, “Feeling ko minsan… basta mahirap, Tito Boy.”

“Ang problema kasi, ‘di ba minsan sa atin kapag pagod ka na, makikita na ‘yan sa mukha mo. ‘Puwede bang huwag na muna?’

“Sa kanila, hindi puwede yung ganu’n. Kailangan, kahit pagod ka, kahit masama ‘yung pakiramdam mo, ‘Hi! Hello!’ Ganu’n,” sey pa ni Sunshine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Garcia-Castro (@sunshine_garcia)


Pag-amin pa niya, may ugali raw kasi siya na kapag masama ang timpla o pakiramdam niya, hindi raw ito maitatago kanyang mukha. Mahahalata raw talaga ito ng mga taong nasa paligid niya.

“‘Yun ang totoo Tito Boy, ilang din ako sa maraming tao na hindi ko kilala. Lumalabas ‘yung ganito kong ugali kapag kasama ko si Mia (Pangyarihan), si Johlan (Veluz), ‘yung mga talagang puwede kong ilabas kung ano ‘yung kulit ko. Pero pag ibang tao, wala,” sabi niya.

In fairness naman daw, naiintindihan siya ng kanyang mister na si Vice-Governor Alex, “Siya talaga ‘yung ‘Mama, kaya mo pa?’ Gusto mo sa sasakyan ka na lang?’ Naiintindihan din niya.”

“Saka kapag puro English na nga ‘yung usapan, talagang nilalagnat ako!” ang birong sey pa ni Sunshine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nagpakasal sina Sunshine at Alex noong March, 2019 at biniyayaan sila ng dalawa silang anak – sina Xander at Axel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending